The Twentieth of a Dozen Verses
Photo taken on Saturday, June 4, 2005, at Lions Place, Winnipeg, Manitoba, where we attended a children's singing recital
Another dozen pitu-pito...
(My own invention, pitu-pito refers to a form of Filipino poetry which consists of seven seven-syllable lines [7-7-7-7-7-7-7] with a regular rhyme pattern [like a, b, a, b, a, b, b, as in the poems below], and expresses intense emotions and incites sympathy and consideration.)
June 19, Sunday
Melodya ang ’yong boses
T’wing ika’y maririnig.
Kahit na ilang beses,
Ako’y di matutulig.
Higit kaysa sorbetes,
Tamis ng pagniniíg.
Di ka ba kinikilig?
June 20, Monday
Maloko ang tadhana;
’ko’y laging sinusubok!
Minsan, dala’y ligaya;
Minsan, hatid ay mukmok.
Bukás, aking bintana;
Antay ko ’yong pagkatok.
Kaylan ka ba papasok?
June 21, Tuesday
Pasensya ko’y naúbos;
Ako’y kan’lang sinagád.
Mistula akong upós;
Sa bangketa napadpád.
Kaylangan ko ’yong yapós!
Mula sa aking pugad,
Kaylan ba ’ko lilipad?
June 22, Wednesday
Ako’y ’sang mandaragát,
Damá ang bawat álon.
Sa ilalim ng dágat,
Naghahanap ng dáhon.
Kahit ga’no kabigát,
Tanggap ang bawat hámon.
Kaylan ba ’ko áahon?
June 23, Thursday
Ako’y ’sang mánunulat,
Sipì bawat pighatî.
Kaybigan ko ang aklat,
Kat’wang sa dalámhatì.
Malalim—mga sugat;
Sakít—nápakahapdì!
Dapat ba ’kong magsisì?
June 24, Friday
Di ko hangád ang langit,
Kayâ ako’y pagbigyan—
Biyayáan ng kahit
Konting kasaganáhan.
Di ako magagalit,
Anumán ang mákamtan.
Kaylan ba ’ko tatáhan?
June 25, Saturday
Ako ay nanaginip:
Tayo ay nagtatalik.
Di mawaglit sa isip,
Laging nanunumbalik.
Di malimot, sa halip
Dito’y nagsusumiksik.
’kaw rin ba’y nasasabik?
June 26, Sunday
Pagsapit ng tag-siból,
Daho’y muling hihitik.
Mga aso’y kakahol,
Sa lansanga’y babalik.
Titingkad mga buról;
Tatamis bawat halik.
Dapat bang humagikgik?
June 27, Monday
Bakit ba putul-putól
Ang bawat pangungusap?
Ako ay nabúbulól
T’wing tayo’y magkausap.
Di ba’t nakaúulól
Pag bitín ang paglasáp—
Di kumpleto ang sarap?
June 28, Tuesday
Masdan mo’ng paruparo,
Pakpak ay nabibitak!
Masdan mo ang mata ko;
Luha ay pumapatak.
Sadyang ganyan ang tao,
Minsan ay pumapalpak.
Dapat bang pumalakpak?
June 29, Wednesday
Di ako mapakali,
Madalas ay tuliró.
Laging nasa ’santabi,
Kapiling ay anino;
Nagbabakasakali,
Kapalara’y magbago.
Di ba ’ko naloloko?
June 30, Thursday
Katapusan na naman;
Umuusad pa pala—
Bawat araw, bawat b’wan.
’kala ko’y napako na
Ang pangkasalukuyan.
’buti at tanaw ko pa…
Meron nga bang pag-asa?
Archive
The First
The Second
The Third
The Fourth
The Fifth
The Sixth
The Seventh
The Eighth
The Ninth
The Tenth
The Eleventh
The Dozenth
The Thirteenth
The Fourteenth
The Fifteenth
The Sixteenth
The Seventeenth
The Eighteenth
The Nineteenth