The Thirtieth of a Dozen Verses
.
The front- and back cover of one of the poetry anthologies I recently finished, Four Seasons in Canada (and Other Leafs of Poetry, 2003–2005), which I hope gets published in the near future
Another series of short poems of three eight-syllable lines (8-8-8) with the rhyme pattern a, b, a.
Ampait ng ampalaya,
(Di ko tuloy paborito)
Kahit pa babád sa sukà.
Sabi nila, ang kamatis,
Bukod sa masustans’ya, ay
Nagpapakinis ng kutis.
Ang sarap ng pritong talóng,
Lalo’t sawsawan ay sukà
Na may kasamang bagoong.
Sawsáwan ko sa nilagá—
Talóng na may súka’t bawang
At nilagang kalabasa.
Magbalat ka ng sibuyas
Sa t’wing ika’y naiiyak,
Nang problema mo’y lumipas.
Nagsasayaw’ng mga dahon,
Sa awi’t himig ng hangin.
Lumilipas ang panahon.
Kumulimlim na ang araw,
Nar’yan na ang dapithapon.
Búkas—aking natatanaw.
Naku, malamig na naman.
Tag-yeló’y nagbabanta na—
Muli nang mararanasan.
Ano iyang nakasalang?
Hmm, amoy asim-sampalok!
“Ano pa? E di, sinigang.”
Gusto ko’ng burong labanos,
Kahit ito’y amoy-utot.
Teka, di ko na maubos.
Dati, ayoko ng gulay
Kahit ito’y masustans’ya’t
Nagpapahaba ng buhay.
Bakit naputol ang tulay?
Di pa ’ko nakatatawid.
Hay, bakit ganyan ang buhay?
Archive
The First
The Second
The Third
The Fourth
The Fifth
The Sixth
The Seventh
The Eighth
The Ninth
The Tenth
The Eleventh
The Dozenth
The Thirteenth
The Fourteenth
The Fifteenth
The Sixteenth
The Seventeenth
The Eighteenth
The Nineteenth
The Twentieth
The Twenty-first
The Twenty-second
The Twenty-third
The Twenty-fourth
The Twenty-fifth
The Twenty-sixth
The Twenty-seventh
The Twenty-eighth
The Twenty-ninth
0 Comments:
Post a Comment
<< Home