The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Monday, August 22, 2005

The Twenty-fifth of a Dozen Verses

.
Photo taken on July 31, Sunday, at Gimli Park, Gimli, Manitoba, Canada
.
The pattern of the short poems below is another invention of mine: Each of the short Filipino poems below consists of three eight-syllable lines (8-8-8) and follows the rhyme pattern a, b, a.

August 6, Thursday

Sa wakas ay natupad ko rin
Ang matagal ko nang asám—
Manahimik ang damdamin.

August 7, Friday

Buhay man ay isang bugtong
Na di masagut-sagutan,
Tuloy pa rin sa paggulong.

August 8, Saturday

Kumakati ang singit ko—
O anungsarap kamutin…
Tumigas tuloy’ng tarugò.

August 9, Sunday

Paulit-ulit ang araw!
Wala mang ibang magawa,
Di pa rin bibitaw.

August 10, Monday

Hanap-hanap kita lagi.
Sabik na ’kong makita ka.
Gusto kong hagkan ’yong labi.

August 11, Tuesday

Nagkalát sa aking bulsa
Ang bolpen kong nagtatae,
Di na natanggal ang mantsa.

August 12, Wednesday

Pahaplos ng iyong batok.
Pakagat ng iyong labi.
Pahagod ng iyong buhok.

August 13, Thursday

Almusal ko ay tinapay,
Palaman ay pritong itlog.
Araw ko ay walang saysay.

August 14, Friday

Sikmura ko’y kumakalam,
Isipan ay lumulutang.
Pagkalungkot di mabalam.

August 15, Saturday

Aba! dal’wang taon na
Pala ang aking hirap
Dito sa
O’ Canada.

August 16, Sunday

Pa’no mapapatawad
Ang taong di marunong
Umamin na s’ya’y huwad?

August 17, Monday

Bertdey mo ngayon, Karen.
Tumanda ka na nga ba?
O ’sa pa ring batuten?
Archive

2 Comments:

Post a Comment

<< Home