The Twenty-fourth of a Dozen Verses
All the photos featured in this article were taken on Sunday, July 31, 2005, at Gimli Park, in the Rural Municipality of Gimli, Manitoba.
Because of a sudden burst of my poetic prolificacy these days, I have been producing several verses a day. To be able to share with all of you as much poetry as I want to share, I’ve decided to begin posting my dozen verses more frequently.
Panibago na namang sandosenang *pitu-pito*…
Kagabi’y kumikidlat,
Tanaw ko sa bintana.
Napatayô, nagulat;
Kulóg—ako’y binigla.
Mata’y dilat na dilát;
Natakot, parang batà;
Diwa’y mulat na mulát.
Sarado na ang ilaw,
Pero gisíng pa ako.
Antok—ayaw dumalaw.
Diníg—tibok ng puso.
Bahagyang giniginaw,
Sana’y yakap mo ako;
Lungkot—nangingibabaw.
Larawan mo’y kipkip ko,
Katabi sa pagtulog.
Braso ko’y nasa noo,
Iniisip ka, irog.
Langit ay sinusuyo—
Lahat ng aking dulóg,
Sana’y magkatotoo.
Ulan ay pumapatak,
Dinig mula sa k’warto.
Labi ko’y nabibitak
Dahil sa pagkatuyô.
Kung meron akong pakpak,
Saan pa ba tutungo?
E di sa kandungan mo.
’daming nakabikini,
Lumuwa aking mata.
Napos magmunimuni,
Kulang pa rin ang saya.
Sa ’yong ngiti at labì,
Sila’y walang panama.
’kaw pa rin ang mithì.
Gimli Beach pales in comparison with the heavenly beaches in the Philippines, like White Beach on Boracay Island, the white-sand beaches of Puerto Galera Island in Oriental Mindoro, and the numerous resorts on the thousand islands of Palawan in the Western Visayas region. At Gimli Beach, however, immaculate white earth angels in bikini...
Lolo, wag kang maingay,
Di ako makatulog.
Hinga mo’y parang dighay;
Hilík mo’y parang kulóg;
Para kang kinakatay,
Utak ko’y nakakalog.
Para ’kong asong bantay.
Si Lolo ay makulít,
S’ya ay paulit-úlit.
Lagi na lang s’yang busóg.
Gusto’y parating tulóg.
Ako’y nagsasawa na
Sa pagbantay sa kanya—
Ubos na ang pasens’ya.
S’ya ay biglang naupos
Na animo kandila.
Ako’y biglang namáos,
Di nakapagsalita.
Nataranta nang lubós
Nang s’ya’y biglang namutla.
Tapang ko’y nagkagalos.
Ang bigat ng pasánin—
Búhay n’ya’t kamatayan,
Di ko na kayang dalhin.
Lakas—nauubusan.
Ba’t sing-alat ng asin
Ang aking kapalaran?
Hírap—’yok’ nang ulitin.
Lagi kong iniisip—
Kapag namatay na s’ya,
Sino ang sisisihin?
Kahit din’la sabihin,
Kita sa kan’lang mata.
Kahit ’nung pagtatakip,
Ang turo ay sa akin.
Ang sarap ng palabok,
Lalo’t may kalamansi.
(Sawa na ’ko sa manok.)
Parang p’wet ng kawali—
Kulay ng kanyang batok;
Ang kanyang kilikili—
Sing-asim ng sampalok.
Ingay ng bentilador,
Ang lumang aparador,
Sabog ng rebentador,
Obra ng isang pintor,
Unang sakay sa bapor,
Pawis ng ’sang kargador…
’tangna n’yo! Mga traydor!
%%%
*My own invention, pitu-pito refers to a form of Filipino poetry which consists of seven seven-syllable lines (7-7-7-7-7-7-7) and follows a rhyme pattern.
Archive
The First
The Second
The Third
The Fourth
The Fifth
The Sixth
The Seventh
The Eighth
The Ninth
The Tenth
The Eleventh
The Dozenth
The Thirteenth
The Fourteenth
The Fifteenth
The Sixteenth
The Seventeenth
The Eighteenth
The Nineteenth
The Twentieth
The Twenty-first
The Twenty-second
The Twenty-third
1 Comments:
At Saturday, November 19, 2005 10:14:00 AM, Anonymous said…
Super work performed.
Post a Comment
<< Home