The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Thursday, September 01, 2005

The Twenty-seventh of a Dozen Verses


(August 2005 poems)
.

Photo taken on January 3, 2005, at Maple Green Elementary in Surrey, British Columbia, Canada

Another series of short poems of three eight-syllable lines (8-8-8) with the rhyme pattern a, b, a.

Ang tingkad ng sikat-araw!
Pahiram nga ng sombrero.
Ako ay biglang nauhaw.

Di na ’ko napapapikit
T’wing tititig sa liwanag
Na nanggagaling sa langit.


May biglang umalingawngaw
Dito sa ’king kalooban.
Puso’y nagkulay-balanghaw.

Nagkálat ang kaalaman!
Penge ng sandok at mangkok,
Baka ako’y maubusan.

Para kang burong labanos,
Maamoy pero masarap.
Kelan kita mauubos?

Sawa na ’kong mag-alaga;
Ubos na ang pasens’ya ko.
Gusto ko nang makalaya.

Hindi n’yo ko masisisi
Kung ako’y nagsasawa na.
‘ higpit ng pagkakatali!

At sumabog ang bulkan…bam!
Sa loob ng aking dibdib;
Nang bigla s’yang magpaalam.

’sa na lang ’yang alaalang
May ngiting binabalikan—

Mga dati kong hinirang.

Mabuti na lang talaga’t
Sa buhay ko’y bumalik ka.
Napawi lahat ng bigát.

Hamo, di ka magsisisi
Sa pagpili mo sa akin,
O mahal kong binibini.

Niña, bunso kong kapatid,
Sa altar ng simbahan ay
Sabay tayong ihahatid.


Archive
The First
The Second
The Third
The Fourth
The Fifth
The Sixth
The Seventh
The Eighth
The Ninth
The Tenth
The Eleventh
The Dozenth
The Thirteenth
The Fourteenth
The Fifteenth
The Sixteenth
The Seventeenth
The Eighteenth
The Nineteenth
The Twentieth
The Twenty-first
The Twenty-second
The Twenty-third
The Twenty-fourth
The Twenty-fifth
The Twenty-sixth

0 Comments:

Post a Comment

<< Home