The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Thursday, September 08, 2005

The Twenty-eighth of a Dozen Verses

(August 2005 poems)
.
Photo taken on August 29, 2005, Monday, at the backyard of the house, Winnipeg, Manitoba, Canada: I am my grandfather's barber as well.

Another series of short poems of three eight-syllable lines (8-8-8) with the rhyme pattern a, b, a.

...
Di s’ya lagi mapakali,
’dami kasing sumasakit.
Sa hirap, ako’y kasali.

Masakit ang aking ngipin,
Dámay tuloy pati ulo;
Ayaw akong patulugin.

S’ya ay laging inaantok,
Maya’t maya kung humikab.
Lagi rin s’yang sinisinok.

Haynaku, kasasabi lang,
Nakalimutan na agad.
Ang hirap ng gumugulang.

Mahirap daw ang mabuhay,
Bukambibig ng lolo ko,
’pag marami kang kaaway.

Pahingi nga ng panghalip;
Pagód na ang aking utak.
Sino sa aki’y sasagip?

Biglang sumilbato ang tren—
(Ako ay napabalikwas)
Parang puták ng inahen.

Palagi n’yang hinahanap,
Kanyang pitaka’t salamin.
Ako—hanap ko’y kausap.

Tinubuan ng tigyawat
Ang magkabila kong pisngi;
Pumangit ang aking balát.

Wala naman akong bálat,
Pero ba’t ako minalas?
Pasánin—ubod ng bigat.

Nalaglag kanyang pustiso,
Mabuti’t hindi nabasag;
Dagli-dagling pinulot ko.

Hindi pa rin n’ya matanggap
Na katawa’y mahina na.
Ako tuloy’ng naghihírap.


Archive
The First
The Second
The Third
The Fourth
The Fifth
The Sixth
The Seventh
The Eighth
The Ninth
The Tenth
The Eleventh
The Dozenth
The Thirteenth
The Fourteenth
The Fifteenth
The Sixteenth
The Seventeenth
The Eighteenth
The Nineteenth
The Twentieth
The Twenty-first
The Twenty-second
The Twenty-third
The Twenty-fourth
The Twenty-fifth
The Twenty-sixth
The Twenty-seventh

0 Comments:

Post a Comment

<< Home