The Twenty-third of a Dozen Verses
(Photo taken on July 31, 2005, Sunday, at Gimli Park in Gimli, Manitoba, Canada).
%%%
Muli, 'sandosenang pitu-pito, each of which follows a different rhyme pattern.
July 25, Monday
Bakit nga ba ’to bastos—
Bulbol, bayág, at tite;
Súso, kantot, at puke?
Di masabi nang taós,
Di mabigkas maige.
Ako ba’y nalalaos?
Wala na ’kong masabe.
July 26, Tuesday
S’ya ay para nang musmos—
Biglang napapaihe,
Minsa’y napapatae,
Memorya’y kinakapos,
Gustong inihehele.
Ako ang nauupos.
Sana kapalit s’werte.
July 27, Wednesday
Bukas, dugo’y dadanak.
Inyong dila’t daliri,
Pup’tulin ko ng itak
Upang kayo ay hindi
Na makatili’t -dakdak.
Hmp! Kayo’y magsisisi.
Akin, huling halakhak.
July 28, Thursday
Ayaw ko nang sumulat,
Pudpod na naman ako.
Boses ko’y namamalat,
Nawawala sa tono.
Kelan magiging peklat
Ang aking mga sugat.
Gusto ko nang sumuko.
July 29, Friday
Pasasaan ba’t tayo’y
Magkikita ring muli.
Ang ating mga puso’y,
Sa kasal, itatali—
Maglalaro ng apoy,
Umaga hanggang gabi,
Magdamag, tuluy-tuloy.
July 30, Saturday
Kung bása mo lang, irog,
Ang laman ng isip ko...
Kung dinig mo lang, panggà,
Ang pintig ng puso ko...
Kung dama mo lang, mahal,
Ang higpit ng yakap ko...
Kung alam mo lang, sinta….
July 31, Sunday
'buti pa ang tutubi,
Pakadyut-kadyot na lang.
Samantalang ako, ni
Di makahalik man lang.
'yan tuloy, gabi-gabi,
Ako e laging tigang.
Gusto ko nang umuwi!
August 1, Monday
{written right after waking up from a weird dream}
Oops, nagising ang dragon!
S’ya’y nasilaw sa liwa___;
Kaya imbes na buma____,
E di na nakapalág.
Muntik na tuloy tuma___,
Pero di na nakalun___.
Ng bangungot s’ya’y nila___.
August 2, Tuesday
Ako’y kinakabahan,
Laging may alinlangan.
Mabigat—kalooban,
Tuliro—isipan,
Hanap-hanap—tahanan,
Asám ang kalayaan,
Antay—kinabukasan.
August 3, Wednesday
{Happy Birthday, my fairy}
Kundi sa araw na ’to,
Wala ka sa ‘king buhay.
Kundi sa araw na ’to,
Buhay ay walang saysay.
Kundi sa araw na ’to,
’lang sayang inaantay.
Kundi sa araw na ’to…
August 4, Thursday
Singtalas ng lagare,
Singtibay ng balete,
Singdulas ng bulate
Ang matigas kong tite—
Hanap-hanap, 'yong puke.
Sa ’yo, gustong dumede,
Habang inihehele.
August 5, Friday
“Ay bastos!” sabi nila.
“Panay libog ang wika.”
“Ipokrita!” sagot ko.
“Hay, kunyari pa kayo.”
Sa’n ba galing ang itlog?
Utak, kulang sa kalog.
Ang mundo ay di bilog.
%%%
My own invention, pitu-pito refers to a form of Filipino poetry which consists of seven seven-syllable lines (7-7-7-7-7-7-7) and follows a regular rhyme pattern.
Archive
The First
The Second
The Third
The Fourth
The Fifth
The Sixth
The Seventh
The Eighth
The Ninth
The Tenth
The Eleventh
The Dozenth
The Thirteenth
The Fourteenth
The Fifteenth
The Sixteenth
The Seventeenth
The Eighteenth
The Nineteenth
The Twentieth
The Twenty-first
The Twenty-second
4 Comments:
At Wednesday, August 03, 2005 9:25:00 AM, Anonymous said…
uy, makata ka din pala ha.. astig..
kakaiba!!
have a nice day!
At Wednesday, August 03, 2005 12:32:00 PM, eLf ideas said…
Rose,
Thanks! ' been writing poetry since grade school. Hahaha!
At Thursday, August 04, 2005 8:00:00 AM, Anonymous said…
B!!haha iba-iba reaction ko sa latest poems mo. merong "ooops pilyo", "aww..how sweet", inangku..sinabi nya talaga yun?" then yung isa, napa-"bwahaha!" na lang ako. haha! ikaw talaga. grabeh.
yung ni-send mo sa email ko sakin lang yun,hon?!
-c.
At Thursday, August 04, 2005 8:04:00 AM, Anonymous said…
buti pa raw yung tutubi. hahaha! ang liitliit na nga ng tutubi nakita mo pang nagme-mate.haha!
====
madulas ba ang bulate? i dont touch bulate eh. hahaha!
====
love you, b!!
c.
Post a Comment
<< Home