The Twenty-second of a Dozen Verses
Photo taken on June 19, 2005, Sunday, at Winkler Tourist Park in Winkler, Manitoba: Gathering woods for the fire...
%%%
Each of the pitu-pito below follows a different rhyme pattern.
July 13, Wednesday
Pumupulot ng kahoy,
Pampaningas ng apoy.
Nag-aalab ang puso,
Hindi damá ang láyo.
Pikít ang mga mata,
Lalo kang nakikita.
Hamo, sandali na lang.
July 14, Thursday
Kinakamot ang ulo,
Ako minsa’y tulalâ.
Nakatitig sa langit,
Laging walang magawâ.
Hinding-hindi susuko
Kahit walang himalâ—
Sanáy na sa pasákit.
July 15, Friday
Hanap-hanap ko ikaw,
Lalo’t damá ang panglaw.
Sa ’yo, ako ay uháw.
’ko’y laging nabubughaw.
Ilaw ma’y aking tanáw
—Dulo ng balang-araw—
Di pa rin makasigaw.
July 16, Saturday
{to Anacleto}
’musta na, kaibigan?
Umaasa ka pa ba?
’tuloy mo lang ang laban,
Hangga’t may lakas ka pa.
Hírap mo’y may hangganan,
Bagyo mo ay huhupa.
Habang may buhay ay may….
July 17, Sunday
Bawat galaw ng kamay
Ay s’yang uga ng kama…
Bawat tulo ng laway,
Bawat pikít ng mata...
Nanginginig, himaymay;
Namamanhid ang hita...
Ikaw ang nasa isip.
July 18, Monday
Utak ko minsa’y blangko—
Parang sira ang ulo,
Maluwag ang turnilyo,
Animo luku-luko,
Nasobrahan sa toyò,
Kung ituring ay bobo…
"Pabili nga ng lobo."
July 19, Tuesday
{to Hermetio}
Nanahan din sa wakas
Itong aking damdamin.
Sa hudas nakatakas,
Nabawasan pásanin.
Biglang umaliwalas—
Pananaw at paningin.
“Paalam, balasubas.”
July 20, Wednesday
Nuong isang araw ay
Mainit buong hapon;
Kelangan ng pamaypay,
Andaming tuyong dahon.
Ganyan naman ang buhay—
Laging pana-panahon.
“Matuto kang sumabay.”
July 21, Thursday
Dinuguan ang ulam,
Kahapon ay sinigang.
Sikmura’y kumakalam;
Diwa ko’y lumulutang.
Ako’y takam na takam,
Animo’y mambabarang.
“Sino kaya’ng makulam?”
July 22, Friday
Minsa’y kung ano na lang
Ang aking maisulat.
Ideya’y kulang-kuláng;
Ako ma’y nagugulat.
Ako ba’y ’sa nang guráng?
O sa p'wet ay may balat?
“Di mo ba nasasalat?”
July 23, Saturday
{to Tito Ren and Tita Lucy}
Butihin kong t’yang at t’yong,
Salamat sa pagkupkop.
Kundi sa inyong tulong,
Ako pa rin ay dahóp
At lantang parang talóng.
Masáhol na lupalop,
Ayaw muling mákulong!
July 24, Sunday
{to cousins Ivan and Davin}
Salamat sa ’nyong dalawa,
Sa respeto’t paggalang,
Pagtanggap, pag-unawa;
Tulong, di binibilang;
Di limót pagkabata
Pati lupang hinirang.
Di tulad ng iba r’yan!
%%%
*My own invention, pitu-pito refers to a form of Filipino poetry which consists of seven seven-syllable lines (7-7-7-7-7-7-7) and follows a rhyme pattern.
Archive
The First
The Second
The Third
The Fourth
The Fifth
The Sixth
The Seventh
The Eighth
The Ninth
The Tenth
The Eleventh
The Dozenth
The Thirteenth
The Fourteenth
The Fifteenth
The Sixteenth
The Seventeenth
The Eighteenth
The Nineteenth
The Twentieth
The Twenty-first
0 Comments:
Post a Comment
<< Home