(On the Neutrality of Word Usage)
by aLfie vera mella
Napanood ko sa Filipino Channel a few days ago yung
isyung tungkol sa paggamit ng ilang “kontrobersyal” na bagong likhang mga
salitang hango sa wikang Tagalog. Isa sa pumuknat sa isip ko e yung sinabi ni
Virgilio Almario--na bastos raw ang gagamit ng mga salitang salungso at salungki dahil alam daw naman nila ang pinanggalingan ng mga salitang iyan
(etymology). Dagdag pa niya, ang mga disenteng tao raw ay ang gagamiting salita
e kasuotang panloob.
Sa totoo lang, isa si Rio Alma sa
paborito kong manunula. Yung poetry book niyang Peregrinasyon... ay isa sa
mga itinuturing kong obra maestra sa larangan ng Filipino poetry--at malaki rin
ang implwensiya niya sa akin bilang manunula.
Pero, bumagsak ang pagtingin ko sa kanya
bilang isang alagad ng literatura dahil sa pananaw niya sa etimolohiya ng mga
salitang pinag-uusapan natin.
==
Para sa akin mas gusto ko nga na gamitin
ang salungso at salungki na katumbas ng bra at panty. Mas may karakter
at mas akma sa karamihan ng mga salitang Filipino.
E ano naman kung ang etimolohiya ng mga
salitang iyan ay "salung suso" at "salung kiki'? Oo, may touch
of humor, pero ganyan naman ang etymology ng maraming salita kahit sa English o
iba pang lenggwahe.
Ang pagkakaiba e kung lalagyan ng
malisya ng gumagamit sa mga salitang ito.
Yung salumpwit e obviously na galing
sa "pangsalo ng puwet" at may humor sa pagkakaimbento ng salitang
iyan. O baka nga, walang humor na intention after all sa part ng kung sinomang
nag-imbento rito.
Kasi, kung titingnan naman kasi natin
nang objectively at na walang halong malisya--e may linguistic logic naman sa
word na ito e--pansalo naman talaga ng puwet ang silya e. Para sa akin e
magandang may choice--kung gusto mo gamitin e silya o upuan e okay; kung
gusto mo e salumpuwet o salumpuwit e dapat okey rin lang.
Kung ako ay isang titser at ipinagawa ko sa aking mga estudyante na magpasa ng written report na ang gamit ay wikang Filipino at yung isang estudyante e gumamit ng salitang bra at panti at silya o upuan at pagkatapos yung isang estudyante e ang
ginamit e salumpuwit, salungso, at salungki; at may isa namang gumamit ng kasuotang panloob--e ituturing kong pare-parehong tama ang kani-kanilang gamit na mga salita. Hindi ko sasabihin na, uy, mali yung ginamit mong salita. Bakit? Kasi sa linguistics e merong tinatawag na synonyms at ang mga salitang aking hinalimbawa e synonyms of each other (salumpuwit, upuan, silya; salungso, bra, pang-ibaba na kasuotang panloob; at salungki, panti, pang-itaas na kasuotang panloob).
We have to admit that words evolve and
that sometimes, there are more than one word that could be used to call a thing. I think that, even in the matter of linguistics, the language user should have the freedom of choice which words she wants to use--as long as such words make linguistic sense.
The Last Leaf
I don't see anything wrong in the use of
the Filipino words salungso and salungki as alternative words for silya (Spanish-derived Filipino word for the English word chair) and upuan (a nominalization of
the Filipino verb upo, meaning "sit" to connote "to sit on a chair").
Yes, salungso and salungki were obviously derived from the phrases "pangsalo ng suso" ("breasts catcher) and pangsalo ng kiki ("vagina catcher"),
respectively; but the resulting words should not be tainted with malice. After
all, there is nothing malicious with the words suso ("breasts")
and kiki ("vagina"), to begin with, when used in a biological perspective or matter-of-fact manner. Most often, the user's intention or his connotative
use of certain words are the ones that make the word usage distasteful--not the
actual use of the words itself.
* Nominalization - may refer specifically to the process of producing a noun from another part of speech through the addition of derivational affixes (for example, the noun legalization is a nominalziaiton of the verb legalize)
* Salonpas is a Japanese brand of topical pain or inflammation reliever. In Filipino, inflammatory pain may be translated as pasma. This makes the word salonpas or salompas sensible, even if it was only coincidental. Following the logic in the formation of the words salungso (brassiere, "breasts catcher"), salungki (panties, vagina catcher), and salumpuwit (chair, "ass catcher"), salompas may be regarded as "salong pasma" (inflammatory-pain catcher).