The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Tuesday, August 15, 2006

The return of the unstuck

.
August 15, 2006
Tuesday

Haynaku! Ang Kapalaran talaga, ayaw nang makita siguro na nagagalit ako. Hahaha! E paano, kanina lang e naisulat ko na naman ang aking pagkaasar sa sitwasyon ko--na kelangan kong maglakad lagi nang bente-minutos na layo, t'wing papasok sa trabaho at uuwi pagkatapos.

Tapos e nung umakyat na ako para mag-merienda (nasa basement yung PC ko, at derecho agad ako rito pag-uwi galing sa trabaho), e may nakapatong na mail sa lamesa. Galing sa Canadian Immigration, sabi sa sulat e "you have an appointment with Canadian Immigration on September 11, for the granting of your Permanent Residence status. Please bring your passport, all the immigration documents previously issued to you, and two photographs which will be used for your Permanent Resident Card..."

Yehey! Canadian immigrant na ako sa wakas! Tatlong taong paghihintay! Mabait pa rin talaga ang Kapalaran sa akin. Salamat ha?

Sabagay, hindi naman p'wedeng masarap tuluy-tuloy. May maliliit na pagsubok at paghihirap pa rin, di ba? Kelangan kong tandaan 'yan. S'yempre nga naman kung panay sarap e mawawalan na ng saysay ang aking pakikibaka.

Ika nga, Life--to remain exciting and worth living--must have challenges and little pains and struggles.

O ayan, nakangiti na uli ako.

Natanggal bigla ang pagod ko.

...
Maiba ako, yung isa ko nga palang kaibigan dito, Chit ang pangalan n'ya--Registered Nurse rin sa Pilipinas, nagpunta rito para mapabuti ang buhay, nag-take ng Provincial Nursing Licensure Exam several months ago, bumagsak. Then, last June, nag-second take s'ya. Ayun, sa awa ng Kapalaran, lumabas na yung resulta--pasado! Congrats!

Na-inspire tuloy ako na planuhin na ang pagkuha ko ng refresher course at ang pag-challenge ng Nursing exam.

Aba, starting salary ng R.N. dito e $28 to 35 per hour! Samantalang ang minimum wage e $7.50 per hour lang. Ang sinasahod ko sa A&W Restaurant e $7.75 per hour, habang sa trabaho ko naman sa nursing homes e $12. Layo ng diperensya, 'no?

E di lalo na kung maging nars na rin ako. Sana nga e matupad ko ang plano kong ito.

Promise, magpapakabait pa akong lalo, magiging mas matulungin pa sa kapwa, mas mapagmahal sa mga tunay na kaibigan at sa pamilya ko at sa aking minamahal, at magiging mas maunawain pa sa mga taong hindi ko masyado gusto ang ugali.

Basta tulungan sana ako ng Kapalaran na tuparin ang mga mithi ko, para naman sa kabutihan lahat ito e.

Kahit malaki na ang sinasahod ko e mananatili akong mapagbigay. Tutulungan ko ang mga kapatid ko sa Pilipinas sa pagpapaaral ng mga anak nila, mga mahal kong pamangkin. Lagi kong padadalhan ang mommy at daddy ko. Yung utang ko sa mga inaanak ko e ibibigay ko pag-uwi ko. At higit sa lahat, makakabili na ako ng sarili kong sasakyan, bahay, at maraming-maraming books at action figures.

At higit sa lahat, pag marami na akong pera, maipapa-publish ko na ang books na sinulat ko. At makakapag-recording na ako uli ng mga kantang na-compose ko na hindi nakasama sa mga releases ng dati kong banda. May pambayad na ako sa recording studio.

Panay pangarap...panay plano...

S'yempre naman. Lahat naman ng tao e ganyan. At nararapat lang. 'yan ang dahilan kumbakit tayo nabubuhay--ang bigyan ng saysay at katuturan ang ating buhay.

Pero ako naman e marunong magpasalamat at mag-share ng biyaya. Kaya okey lang na mangarap at umasam, di ba?

O siya, tuloy na naman ang ligaya. Tanggal na naman ang bagot at pagkaasar ko.

Napapakanta na naman ako...

O eto, my two current favorite Cure songs, "Return" from the 1996 album Wild Mood Swings:

Oh I really love it here!
Oh you've thought of it all!
Candlelight! coconut ice! and fur on the floor!
And I really love the way you wear your hair
And nothing more...
So tell me...
What is going on?
I was sure that I'd already gone...

But all you say is we're all spinning
It's really not just me
But that doesn't seem to help me figure out how I can be
A prisoner in pvc a minute after three...
It didn't used to be like this
Must be all that sleep I missed...

Yeah but I really love it here!
You've done everything to please!

and "Doing the Unstuck" from 1992's Wish:

It's a perfect day for letting go for setting fire to bridges
boats and other dreary worlds you know
Let's get happy!

It's a perfect day for making out
to wake up with a smile without a doubt
to burst grin giggle bliss skip jump and sing and shout let's get happy!

4 Comments:

  • At Wednesday, August 16, 2006 5:33:00 AM, Anonymous Anonymous said…

    11th of september pa nataon ah.

    wow, tagal mong hinintay to, hon. i gotta visit ur mom in laguna or maybe she, ur sisters and i can have dinner here in mkt to sort of celebrate "with you"...

    im just happy that youre happy.

    always always,
    c.

     
  • At Thursday, August 17, 2006 10:31:00 PM, Blogger Jennie said…

    Wow! Congratulations! Finally, all your dreams and aspirations of spending your life with you fiancee is within reach!

    I am so happy for you :)

     
  • At Friday, August 18, 2006 3:03:00 AM, Anonymous Anonymous said…

    Congratulations!! 3 years na pala yun, parang ang bilis....anyway, yung sa inaanak mo sa akin, si cha, ipunin mo na lang....pag kailangan nya pumunta dyan kaw lalapitan ko hehehe...goodluck

    emma

     
  • At Saturday, August 19, 2006 9:31:00 PM, Anonymous Anonymous said…

    Sa wakas! Another dream come true for you!! 3 years ago, pinag-uusapan pa lang natin sa former office natin ang tungkol sa pag-hire sayo ng lolo mo....and ngayon, after years of hardships (and softships na rin..hehe), Canadian Immigrant na ang munting eLf!

    CONGRATULATIONS!!!

    Kampay to that! Cheers!
    jaygesalvan

     

Post a Comment

<< Home