The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Friday, April 15, 2016

Poetry 2016 #3: Sa Pagbabalik


Hay, salamat! Napos ng mahabang tag-lamig
Unti-unti ring nagparamdam ang tag-init

Dasal ng mga may diyos, mistulang dininig
Ang kulay ng hangin nagpapapalit-palit

Mga minalas sa buhay, kaylan hahamig?
Wala nang tanung-tanong, wala nang subalit

Dahan-dahang bumabalik ang munting himig
Muling 'binalik ang minsang ipinagkait

Bawat patak ng ulan ay dinig na dinig
Sa panlasa ay meron pa ring konting pait

Haplos ng hangin, may badya pa rin ng lamig
Hayaan na muna't wag masyadong ipilit

Makuntento na lang sa awit ng kuliglig
Darating din ang araw na wala nang galit

April 2016




0 Comments:

Post a Comment

<< Home