The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Saturday, April 02, 2016

Poetry 2016 #2: Sa Paglisan

.

Ultimo ang isang henyo ay nagkakamali rin
Kahit ang matematika'y di eksakto ang sukat

Bilog man o puti ang kulay ng ating usapin
Hindi pa rin matantya kung ang araw ay sisikat

Bahaghari ang bakas ng nalilitong damdamin
Wala na sa tono ang boses na pagod at malat

Takot, lamat, alinlangan, repleksyon sa salamin
Parang kinahig ng manok ang hagod ng panulat

Tubig na klaro o tintang malapot ang inumin
Mga ideya at damdaming ginasgas ng lahat

Kailangan nga bang isiwalat ang saloobin?
Siguro nga--para mabawasan ang pasang bigat

Sana naman sa paglisan ng ulap na abuhin
Ay may kapatawarang sa puso'y magpapamulat

April 2016

1 Comments:

Post a Comment

<< Home