The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Thursday, July 13, 2006

At natapos ang prusisyon

.On July 8, 2006, Saturday, Conrado Lanuza Vera Sr., 91, passed away peacefully at Seven Oaks General Hospital, Winnipeg, Manitoba, Canada. He was predeceased by his beloved wife, Ada, and son Rodolfo (wife, Rosita).

Conrado is survived by his children—Conrado Jr. (wife, Norma, deceased), Roberto (wife, Hedeliza), Carmelita (husband, Mercurio Arado), Teresita (husband, Edgar Mella), Renato (wife, Lucina), and Gerardo (wife, Ethel); grandchildren—Leah, Ferdinand, Soccoro, David; Bernard, Allan, Joel, Ronald, Warren; Michael, Heinjie, Kenneth, Jinky; Alfie, Lovella, Karen, Kimberly, Niña Rica; Ivan, Davin; Tristan and Trisha; and 18 great-grandchildren.

A viewing will be held on July 14, Friday, 6 p.m. to midnight, at Knysh Funeral Chapel, 1020 Main Street.

In the morning of the next day, a mass will be celebrated at St. Joseph Church on Mountain Avenue. Cremation follows afterwards.

Sandosenang Berso para kay Lolo
.
At si Lolo'y pumanaw na...
Tibok ng puso'y huminto't
Tuluyan nang di huminga.
.
'gang sa huli n'yang hininga,
Ako'y nasa kanyang tabi.
Alay ko'y patak ng luha.
.
Ako'y nakasisiguro,
Di na s'ya mahihirapan;
Tungo n'ya'y sa paraiso.
.
Tapos nang pagbabantay ko.
Pamana n'ya'y kalayaan.
Makauusad na ako.
.
Nakalulungkot isipin
Na si Lolo ay wala na.
Mabigat din sa damdamin.
.
Hindi ko malilimutan
Iniwan n'yang alaala.
Andami kong natutunan.
.
S'ya naman ang magsisilbing
Tagabantay ko sa buhay.
Sa puso'y laging kapiling.
.
Di ako dapat kabahan.
.Sa panibagong pagsubok,
Lalak'san ang kalooban.
.
At natapos ang prusisyon.
.'haba ng aking ginapang.
At muli akong babangon.
.
Kung may dilim, may liwanag.
Ganyan talaga ang buhay;
Hindi dapat maging duwag.
.
Kahapon, ngayon, at bukas;
Kahit anupa'ng mangyari,
Walang tigil ang palabas.
.
Sa muling pakikibaka,
Baon ko ay karanasan,
Sandata ko ay pag-asa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home