The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Monday, June 12, 2006

Hangga’t Mistulang Bihag Ay

(June 2006 poem)

Another sonnet in Filipino...

Hangga’t Mistulang Bihag Ay

Nakabibingi ang sobrang katahimikan;
Nakabubulag naman ang sobrang liwanag.

Nais ko ng kaunti man lang kasiyahan
Upang di panay lumbay ang aking ’pinapahayag.

Nalagpasan ko na ang sobrang kadiliman.
Di ko na kaylangan ang inyong pagkahabag.

Malayo man ang magulang na tatakbuhan,
Dinig pa rin nila ang aking mga tawag.

Laging hanap-hanap ang tunay kong tahanan.
Tuloy, sa bintana ay laging nakamatyag.

Di ko naman hangad ang sobrang karangyaan;
Sa konting kasaganahan ako’y panatag.

Di matatapos aking mga katanungan
Hangga’t ang aking puso ay mistulang bihag.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home