Mabuti Naman At
(June 2006 poem)
Mabuti naman at malambot pa rin ang aking mga palad
Kahit na sa gawaing bahay ako paminsan-minsa’y bilád.
Mabuti naman at matibay pa rin ang aking kalooban
Kahit kadalasa’y ’lang magulang o kaybigang matakbuhan.
Mabuti naman at patuloy pa rin ako sa pagsusulat.
Sa aking mga naiisip ay marami pa ring nagugulat.
Mabuti naman at marunong pa ’kong sumayaw at umawit.
Tanaw ko pa rin ang lalim ng dagat at ang lawak ng langit.
Mabuti naman at buo pa’ng aking pang-unawa’t pasensya.
Laging gabay ang aking D’yos—personipikasyón ng pag-asa.
Mabuti naman at kasama pa ’ko ng mundo sa pag-inog.
Paikut-ikutin mo man ’yan, wala pa ring dulo ang bilóg.
Mabuti naman at nand’yan ka pa rin, mat’yagang naghihintay,
Patuloy na umaasa sa ating pagsasaluhang buhay.

1 Comments:
At Tuesday, June 13, 2006 10:59:00 AM, Anonymous said…
i love you, hon...dnt worry abt me..im made of indomitable stuff.
always always,
c.
Post a Comment
<< Home