The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Tuesday, April 11, 2006

"Taga-saan Ka Ba?"

.
April 12, 2006
Wednesday

After Grandfather's medical appointment, we proceeded to Shopper's Drug Mart on Keewatin to buy something and also because I would mail some letters at the post center there.

I dropped by at the nearby A&W Restaurant and bought a Swiss Cheese–and-Veggie combo for myself and french fries for Grandfather.

Tita Lucy got copies of the latest issue of The Filipino Journal, which was available at the drug mart. I was only half-expecting for my article, "Taga-saan Ka Ba?", to be there because the newspaper's editor in chief, Mrs. Cantiveros, said in her e-mail that she was unsure if she could include it in that issue. But there it was, after all!

My third time to get published in The Filipino Journal...

Taga-saan Ka Ba?
by aLfie vera mella

Taga-Maynila o taga-probinsya?”

’Yan ay karaniwang tanong ng mga matatagal nang naninirahan dito sa Canada sa mga gaya kong bagong saltá, na para bang ang Pilipinas ay nahahati sa dalawang rehiyón lamang—Maynila at probinsya. Bukod pa rito, marami ang hindi nakaaalam na, kapag sinabing “Maynila,” dalawang lugar sa Pilipinas ang pinatutungkulan nito: ang Siyudad ng Maynila
(City of Manila) at ang Kalakhang Maynila (Metro Manila)—kaya kinakailangang maging malinaw kung alin sa dalawa ang tinutukoy.

Sabagay, hindi ko rin naman sila masisisi kumbakit palaging Maynila na lang ang kanilang bukambibig. Sa Pilipinas, sentro naman kasi talaga ng kálakalán at urbanisasyon ang Kalakhang Maynila, kung kaya nga ito ang itinakda ng gobyerno na maging
National Capital Region; samantalang ang Siyudad ng Maynila naman, na bahagi lamang ng Kalakhang Maynila, ay national capital city. Subalit hindi ito nararapat na maging dahilan upang balewalain natin ang iba pang mga lugar sa ating bansa. Alalahanin natin na ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa pitong libo’t isandaang isla. Huwag naman sana nating paliitin pa nang husto ang maliit na nga nating bansa.

Hindi ba’t mas mainam na máipaalám mo sa lahat kung saang siyudad o probinsya mismo nanggaling ang iyong angkan? Hindi ba’t nararapat lang na mailatag nang maayos ang mapa ng ating bansa?

Kung ikaw mismo ay nalíligáw sa sarili mong bansa, e paano ka pa n’yang magsisilbing gabáy ng mga nais matutunan ang ating kultura’t heograpiya? Paano mo maituturo sa ibang lahi ang iyong pinagmulan? Gusto mo bang maging dayuhan sa sarili mong bayan? Hindi ba’t ang hindi raw marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi nakararating sa paroroonan?

Kaya halina’t ako’y samahan sa pagbisita sa mga rehiyón at probinsyang bumubuo sa bansang tahanan ng ating lahi.

Geographically Speaking
The Philippines is an archipelago of 7,107 islands situated in Southeast Asia. These islands are grouped into 17 regions, among which Metro Manila is the capital region. The regions and the provinces which comprise each are as follows:

Region I (Ilocos Region): Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan
Region II (Cagayan Valley): Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino
Region III (Central Luzon): Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales
Region IV-A (CALABARZON): Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon
Region IV-B (MIMAROPA): Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, and formerly, Palawan, which is now a part of Region VI
Region V (Bicol Region): Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon
Region VI (Western Visayas): Aklan, Antique, Negros Occidental, Capiz, Guimaras, Iloilo, Palawan
Region VII (Central Visayas): Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor
Region VIII (Eastern Visayas): Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Western Samar, Southern Leyte
Region IX (Zamboanga Peninsula): Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay
Region X (Northern Mindanao): Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin, Lanao del Norte, Bukidnon
Region XI (Davao Region): Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental
Region XII (SoCCSKSarGen): South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani
Region XIII (Caraga): Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur
ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao): Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi
CAR (Cordillera Administrative Region): Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Apayao


…and National Capital Region
Or Metropolitan Manila, or Metro Manila, or Kalakhang Maynila, is the capital among the 17 regions comprising the Philippines; the country’s political, economic, social, and cultural center.

Unlike the other regions, which are divided into provinces, Metro Manila is divided into 14 cities: Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Pasig, Quezon, Taguig, Valenzuela; and three municipalities: Navotas, Pateros, and San Juan—each of which is governed by a mayor.

Sa Madaling Salita
Napakarami palang lugar na maaaring paroonan sa Pilipinas, at dapat mo ring malaman na ang mga lugar na ’yan ay may kanya-kanyang angking katangian at kagandahan.

Sense of Geography
“A person without a sense of geography is a person without a clear direction.”—Fraeh D’elffen, The Rerolled Scrolls of the Infinite Multiverse (Convocation of Scholastic Publishers)

Kaya sa susunod na may magtanong sa ’yo ng, “Taga-Maynila ka ba o taga-probinsya?”, bago ka sumagot e, una, itanong mo muna kung anong lugar ang tukoy n’ya—Siyudad ng Maynila ba o Metro Manila?—ikalawa, kung sakaling taga-probinsya ka nga, e iyong tumbukin kung saang siyudad at lalawigan ka nanggaling. Tulad ko—ako ay túbong Makati, Metro Manila; at huling nanirahan sa San Pedro, Laguna.

Ngayong alam mo na ang heograpiya ng Pilipinas, e siguro naman hindi ka na malíligáw kung sakaling ikaw ay magbalikbayan?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home