The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Tuesday, October 18, 2005

The Thirty-fourth of a Dozen Verses

(September 2005) .

March 1973, my mother, her father (Yes, that's Grandfather), and little I, aboard a ship on our way to Davao Oriental

March 1973, I, my father, and Roger, one of our land's caretakers, mounted on a carabao, in our land in Mati, Davao Oriental, Philippines

Another series of short poems following a pattern of my own invention: three eight-syllable lines (8-8-8) with the rhyme pattern a, b, awhich I'm calling, for the meantime, "waluwaluwaló."


Paggunita sa Nakalipas (Unang Yugto, 1970s)

Sa ’min ako ang panganay
At nag-iisang lalaki—
Ipinanganak sa Pasay.

Narating ko na ang Davao,
Nuong 1973—
Alaala’y parang ampaw.

Nakasakay sa kalabaw—
(Naaalala ko pa ’yun)
Ako, si Daddy, at ikaw.

Ako ay palaging tayâ
Sa tumbang preso’t taguán.
Minsan kasi’y nadadayà.

Ang mahal kong bisikleta,
Isang araw, ay nanakaw.
Nagmukha akong kawawa.

Musmos pa lamang ako ay
Mahilig na ’ko sa kiamoy.
Lasa’y nakapaglalaway.

Ang lungkot ng araw na ’yon—
Pag-uwi ko’y walang Champ na
Kumagat sa aking pantalon.

Nakalabas s’ya ng bahay,
Nasagasaan daw ng trak,
At dagli-dagling namatay.

Ang alaga kong kuneho,
Nabagsakan ng tukador.
Tuloy, ito ay nadedò.

Papunta kami ng Aklan,
Sakay ng malaking barko—
Gunita ko pa kung kaylan.

Ako’y lubusang namangha
Sa dami ng kan’lang aklat,
Isa-isa kong binása.

Sumakay ng motorsiklo—
Ako at ang aking amá,
Namasyal sa sementeryo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home