The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Monday, October 10, 2005

The Thirty-third of a Dozen Verses

(September 2005)
...


The front- and back cover of another poetry anthology I recently finished, Pagdiriwang Pagsapit ng Panaginip ['Feast on the Advent of Dreams'] (Poems in Filipino, 1994–2003)

Another series of short poems of three eight-syllable lines (8-8-8) with the rhyme pattern a, b, awhich for the meantime I'm calling "waluwaluwaló."

Isinusumpa ko kayo!
Lahat ng sa 'ki'y nang-api.
Imp'yerno ang ’dinulot n’yo.

Pahiram nga ng palakol,
May puputulin lang ako—
Dila’t daliri ni Ulól.

Kung meron lang akong baril,
E naikasa ko na ’to…
’pag sila ay di tumigil.

Sa lahat ng sinabi n’ya,
Dalawa lang ang totoo.
Delikado s’yang kasama.

Dapat ba s’yang kaawaan,
E ang sama ng ugali?
Mas bagay s’yang kamuhian.

S’ya ay walang kaibigan—
’samâ kasi ng ugali,
Di mapagkátiwaláan.

Pati sarili n’yang apo,
Di sinipot kaarawan—
May sira yata ang ulo.

Isa na s’yang utuutô,
Kahit malî sinusunod.
Huli na para matuto.

Ang asawa’t mga anak,
Palagi n’yang minumura.
Lintek! Putak ka nang putak!

Binuntal n’ya’ng kanyang tatay
Dahil tinawag s’yang bakla.
Sila-sila, nag-aaway.

H’wag sanang magaya sa ’yo,
Ugali ng mga anak
—Iyan ang laging dasal ko.

Di bale, sa bandang dulo,
Sila rin ang magsisisi.
Salbahe ay laging talo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home