The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Friday, December 28, 2007

Sino ang Bestfriend Mo Noon?

.
(written for my column "Sa Madaling Salita" in The Filipino Journal)

“Some people come into our lives and quickly go. Some stay for a while and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same.”

Sino ang Bestfriend Mo Noon?
by aLfie vera mella

Sigurado akong sasagutin mo ’yan nang nakangiti. Tiyak na magiging musmos kang muli at gugunitain ang iyong mga dating kalaro, o di kaya nama’y magmimistulang dalaga o binata at aalalahanin ang mga naging kasama sa kasiyahan at kalokohan. Malamang ang mga mukha at pangalan ng karamihan sa mga dating kaibigang iyan ay pawang mga imahe na lang sa iyong isipan.

Ang Pagpapanatili ng Ugnayan

Sa paglipas ng panahon, at sa patuloy na pagdagdag ng taon sa iyong edád at ng linya sa iyong noo, ang karamihan sa mga dating kaibigan ay unti-unti na ring kumukupas gaya ng kahapon. Marami sa kanila ay hindi mo na alam kung nasaan na at kung ano na ang nangyari sa kani-kanilang buhay. Kaya, ituring mong mapalad ang iyong sarili kung napanatili mo ang iyong koneksyon sa kahit ilan man lang sa kanila. Masuwerte ka nga dahil nabubuhay ka sa kasalukuyang panahon—kung kailang merong telepono at Internet. Milya-milya man ang inyong distansya, may mga paraan pa rin para mapanatili ang ugnayan sa isa’t isa.

Subalit, bakit pa? Meron ka na namang mga bagong kaibigan, di ba? Bakit hinahanap-hanap mo pa rin sila? Ano ba ang mapapala mo sa pagpapanatili ng inyong koneksyon? Ano ba ang naitutulong nito sa iyong pagkatao?

Ang Hindi Lumingon sa Pinanggalingan

Ang pagpapanatili ng koneksyon sa mga dating kaibigan ay isang halimbawa lang ng “paglingon sa pinanggalingan.” Dahil sa patuloy o paminsan-minsang pakikipag-ugnayan sa kanila, para mo na ring binabalikan ang iyong pagkamusmos o pagkabata. Hindi ba’t ang sarap makipagkuwentuhan sa mga dating kaibigan, lalo na kung ang inyong paksa ay tungkol sa nakaraang pinagsamahan? Dahil sa pagbabalik-tanaw na gaya n’yan, natatanto mo kung gaano na nga ba kalayo ang iyong nalakbay, kung gaano na kataas ang iyong naabot, at kung malaki na nga ba ang ipinagbago mo at ng iyong buhay, at kung ang dulot ba ng mga pagbabagong iyan ay ang pagkakaroon mo ng mas mabuting pagkatao.

Ang Ilan sa mga Nawala Ay P’wede Pa Ring Mahanap
Maraming dahilan kumbakit napuputol ang pagkakaibigánan. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ito—paglipat ng tirahan, pangingibang-bayan o -bansa, paglipat ng eskwela o pinagtatrabahuhan, unti-unting pagkakaiba ng mga hilig o dating pinagkakaabalahan, pagkakaroon ng bagong mga kaibigan, o pagkakaroon na ng kanya-kanyang pamilya.

Subalit, meron man kayong mga kanya-kanya nang buhay, kung nasa inyong mga puso pa rin ang pinagsamahan at nananatili pa rin ang pagtingin sa isa’t isa, sigurado akong mapananatili ninyo ang inyong ugnayan. Simple lang ang katapat n’yan—tawag sa telepono, sulat o e-mail, o pagsasalu-salo o pagkikita-kita sa t’wing magkakaroon ng pagkakataon.

Bestfriends for Life
I always consider myself lucky because I was able to keep my connection with many friends originating from the early years of my life—bestfriends such as Roderick “Derrick” Periodico, Jonathan “Jon” Mejino, Rainald “Rain” Paggao, and Ruperto “Pet” de Jesus. Each of us may now be living in another country, have his own family, or be busy with his career and current preoccupations, yet we still take time to call, write or e-mail each other, and catch up with the lives of one another.

I met Derrick in 1978. We first became classmates in Grade Two, at St. Mary’s Academy in Pasay City. In elementary, we both liked DC and Marvel Comics and illustrating our favorite superheroes; in high school and thereafter, we both became enthusiasts of Rock music. We last saw each other at SM Megamall in 2003, days before I left the Philippines. We e-mail each other once in a while.

Jon, Pet, and I went to the same elementary school, and we became classmates in high school, at Santa Clara Parish School in Pasay City. Our penchant for New Wave music was one of the chief bonds that glued us all the way through our adult lives. Jon immigrated to the US in 1992, Pet to France in 1999, but to this day we remain in regular communication. In 2003 to 2004, when I was still in Vancouver, British Columbia, Jon visited me twice, driving all the way from his home in Seattle, Washington.

I met Rain in fourth-year high school. Our common passion for music, poetry, and philosophy drew us together; eventually we with Jon and Pet and a few other schoolmates formed a band, which made us all virtually inseparable for so many years. Despite the accessibility of e-mail communication, Rain, now a district lawyer, and I never fail to send each other postal letters and share each other’s literary works and philosophical ponderings the way we used to do.

There are still other souls in our fellowship of friends; too many stories to tell, so many memories to recall, but most important of all, no matter how old all of us are now, we remain the same young chaps every time we get the chance to be with each other, even if only in spirits. We always remember the humble beginnings of our enduring friendships.

Sa Madaling Salita

Sa bawat dekada na iyong nilagpasan…sa bawat lugar na tinirhan, pinirmihan, at pamamalagian sa mga susunod pang kabanata ng iyong buhay, magkakaroo’t magkakaroon ka ng bagong mga kaibigan at kakilala. Subalit, wala pa ring papantay sa mga kaibigang nakilala mo noong iyong kabataan, silang mga halos kapatid na naging karamay mo sa lungkot at ligaya, kasiyahan at kalokohan. Sila ang lubos na nakakikilala kung sino kang talaga.

5 Comments:

  • At Saturday, December 29, 2007 1:27:00 AM, Anonymous Anonymous said…

    Yehey!!! Galing mo talaga... :D
    Yap, kahit gaano pa kadaming nilalang ang ating makilala on this life's journey, it will always be sweet to look back and reminisce those memories we shared with our friends. Lagi pa ding hahanap-hanapin ang pagkakataon na makita sila at makasama, na kahit minsan lang muling balikan ang panahon ng kamusmusan/kalokohan at kawalang muwang...

     
  • At Wednesday, January 23, 2008 7:18:00 PM, Anonymous Anonymous said…

    Brilliant, eLf, brilliant!

    Agree din ako kay Shayleigh...I can't say anything else.

    Salamat din pala sa nag-develop ng Friendster. Nakolekta ko ulit yung mga kababata ko at kaeskwela noong elementary at high skul. hahaha.

    Oh, by the way, belated Happy Birthday, aLfie!!!!

     
  • At Wednesday, January 23, 2008 7:31:00 PM, Blogger eLf ideas said…

    Jayge,
    Thanks for the greet. Medyo busy ako sa mga trabaho ko, kasama na yung pagsusulat sa dyaryo, pero enojy naman at I can feel the fruits of my hard work.

    Of course, I always take time to enjoy and relax. Magaan naman ang buhay rito sa Canada. Basta may stable job ka at maayos ka namang manggagawa e magaan ang buhay--you can always provide for yourself and the family--may bonus pa--you can buy some little luxuries at hobbies.

    May tinatapos nga akong article na tungkol naman sa mga dating trabaho ng mga gaya kong kinailangan o sinuwerteng makapag-abroad. Ang pinaka-emphasis ko e kahit maganda ang trabaho e dumarating sa buhay ng tao ang kelangang mamili o magdesisyon para mabago ang buhay mo--para gumanda o gusto mo lang makaranas ng mga bagong kaalaman at karanasan. Syempre babanggitin ko rin na isa sa mga factors ng pagkahirap umalis ng bansa e yung iwanan ang magandang trabaho at mga taong naging mga kaibigan mo sa trabahong iyon. SIge, till then. E-mail uli ako.

     
  • At Wednesday, January 23, 2008 7:31:00 PM, Blogger eLf ideas said…

    Shayleigh,
    Thanks for appreciating my thoughts and ideas. See you soon.

     
  • At Friday, January 25, 2008 11:25:00 PM, Anonymous Anonymous said…

    You're welcome! :D

    Hmmm... mukhang aabangan ko ung isinusulat mong bago ah... dito na lang ulit ako magbabasa, pag nai-post mo na...

    See yah!

     

Post a Comment

<< Home