The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Sunday, March 19, 2006

"Ano ang 'I Miss You' sa Filipino?"

.
February 2006

Last February was my first time to be published in Canada. The Filipino Journal, the leading and pioneering Filipino-community newspaper in Manitoba, Canada, published my article "I Miss You" in its February 16–28 issue. The article occupied almost a page of the newspaper, and it included a short biography and a photograph of me.

"Ano ang 'I Miss You' sa Filipino?"
by aLfie vera mella

Valentine's na naman, siguradong madalas na namang maririnig at mabibigkas ang mga katagang "I love you," "Mahal kita," "I miss you..."

Teka, alam mo ba ang katumbas ng "I miss you" sa wikang Filipino?

Marami na ang nagtanong sa akin n'yan. At bago pa man ako makasagot at makapagpaliwanag, may badya-ng-panunubok nilang sasabihing, "Wala, walang katumbas sa wikang Filipino ang salitang miss sa pangungusap na 'I miss you.'" Tila ba sinusubok nila ang kakayanan ng pambansang wika ng mahal kong Pilipinas.

Bilang isang alagad ng sining at wika, buong tiyaga ko silang pagpapaliwanagan, lalo na't alam kong may tumpak na katumbas sa Filipino ang "I miss you." Ngunit bago iyan, halina't samahan n'yo muna akong ipagtanggol ang wikang Filipino.

All Languages—Spoken or Written—Are Imperfect
"All writing systems and their scripts, no matter how revered or innovative, are imperfect and conventional, being an approximation—not a reproduction—of speech."—Steven Roger Fischer, A History of Writing (2004, Reaktion Books Ltd.)

Ano nga ba ang dahilan at maraming salita, parirala, at pangungusap na Ingles ang mahirap isalin sa Filipino? Dahil ba inferior ang wikang Filipino kung ikukumpara sa English? Pero, marami rin namang salitang Filipino ang mahirap hanapan ng katumbas sa wikang Ingles, di ba?

Bakit nga ba? Pagsasalin nga lang ba mula English tungong Filipino at vice versa ang nagkakaroon ng ganyang problema?

Hindi.

Ang katotohanan, nararanasan ng lahat ng lenggwahe—hindi lang ng wikang Filipino at Ingles—ang problema sa pagsasalin (translation).

Ayon sa maraming linguists, walang namumukod-tanging lenggwahe ang masasabing "perfect and complete." Ultimo ang English, na naturingang isa sa mga gamit-na-gamít na lenggwahe sa buong mundo, ay depektibo at malaki pa rin ang kakulangan sa aspetong iyan; sa simpleng kadahilanang "Language is a living thing"—patuloy ang ebolusyon nito, dahil patuloy na ginagamit ng mga tao—may nababawas, may nadaragdag; lalo na kung ang spoken language ang bibigyan ng pansin (at hindi lamang ang written language). Kaya hindi dapat na maliitin ang wikang Filipino dahil, gaya ng kahit anupamang lenggwahe, ang Filipino ay may sarili ring balarila (grammar) na dapat pag-aralan, sundin, at respetuhin.

Teka, mabalik tayo sa ating pinag-uusapan. Ano na nga ba ang katumbas ng "I miss you" sa Filipino?

Halina, samahan n'yo 'kong magpaliwanag. Mangyaring gamitin muna natin ang pangungusap na "I love you" bilang halimbawa.

Kapag isinalin iyan nang literál sa Filipino, heto ang kalalabasan:

"I love you" = "Ako mahal kita."

Subalit dahil hindi naman nararapat na laging literál ang pagkakasalin sa bawat salita o pangungusap—upang hindi lumabas na katawa-tawa o alanganin sa pandinig—lalo't ang mahalaga, at ang habol naman natin, ay ang mapanatili ang kahulugan nito,

Ang "I love you" sa Filipino ay

"Mahal kita" – kung spoken

"Ikaw ay mahal ko" – kung written

Ngayon, i-apply na natin sa "I miss you" ang ginawa natin sa "I love you." Dapat ay halos ganyan din ang maging istraktura nito.

Kaya,

Dahil ang 'miss' ay verb, nararapat na hanapan natin 'yan ng katumbas na pandiwa—hindi kinakailangang eksakto, subalit hangga't maaari ay iyong pinakamalapit ang nais ipakahulugan. Gabay natin ang tinuran ni Fischer na "writing systems being an approximation, not a reproduction...."

In English, miss, in the sense that we are discussing, means "to feel the lack or loss of." Its synonyms include crave, desire, feel loss, long, need, pine, wish, and yearn.

Sa Filipino, ang ibig sabihin ng miss ay "dama ang kawalan o pagkawala." Ang pinakamalapit at pinakamaikling katumbas ng salitang iyan ay HANAP-HANAP.

Sa Madaling Salita
Ang "I MISS YOU" sa Filipino ay

"Hanap-hanap kita." (spoken)

"Ikaw ay hanap-hanap ko." (written)

Ikaw, sino ang hanap-hanap mo ngayong Valentine's?

4 Comments:

  • At Monday, June 12, 2006 11:24:00 PM, Anonymous Anonymous said…

    Great read Alf...you should be a linguist. Ewan ko kung napapansin mo na isa sa mga common errors ng mga Pinoy pag nag-english ay ang pagpapalit ng gamit ng he and she...minsan nasasabi natin ang "she" in reference to "he" or the other way around. One liguist said the reason is that the Filipino language have no concept of gender. Halimbawa:

    He/She - Siya
    His/Her - Niya
    Dog/Bitch - Aso
    Cow/Bull - Baka
    Husband/Wife - Asawa
    Brother/Sister - Kapatid

  • At Tuesday, June 13, 2006 12:07:00 AM, Blogger eLf ideas said…

    Tess,
    Alam mo, what a coincidence! Kasi one of my topics lined up for the newspaper e about nga sa Filipino's penchant to interchange she/he, his/her...and, like what the linguist you mentioned obeserved--ganyan din ang analysis ko: That our language's lack of gender pagdating sa pronoun at many nouns e kung kaya hindi innate (or ingrained) sa atin ang distinction.

    Ako, mismo, admittedly e pagdating sa spoken e nai-interchange ko minsan ang he/she.

    But it improves with practice. Lalo na nga kung exposed na ako sa English-speaking society.

    Thanks for acknowledging my attempt to be a linguist. Isa talaga yan sa wishes ko. Di nga lang ako confident dahil wala naman akong formal training. Kaya nga, in the near future e gusto ko pa ring makakuha ng crash course man lang anything related sa English Grammar or Literature. Evrything I know I got from self-study and continuous use of my pen. Malaki rin naitulong na naging editor ako ng academic tectbooks and magazines.

    I've been reading your posts sa yahoogroups natin...I learn so much from them kasi, especially about the life naman sa community na ginagalawan mo r'yan. I love learning about languages and cultures.

    Thanks for taking the time to read my articles.

    Best wishes sa 'yo r'yan sa US.

  • At Tuesday, June 13, 2006 12:08:00 AM, Blogger eLf ideas said…

Post a Comment

<< Home