The 55th of a Dozen Verses
"Bakit ang buhay ng tao, lagi na lang ganito—
Paikut-ikot, nakatatakot, parang trumpo
Minsan naman, akala mo'y isang payaso
Sa likod ng bawat patawa
Nakatago'y lungkot..."
—aLfie vera mella, "Parang karnabal—ganyan ang buhay ng tao"
The working front cover of my new band's upcoming debut single
Quite a while it has been, since the last dozen verses I posted. Yes, I'm still at it—writing poetry virtually every day. But since 2005 had recently ended, I was also able to put a close to my poetry anthology, Pagpagpag sa mga Inalikabok na Pangarap (At Iba Pang mga Tula), which documents all the Filipino poems I've written within the period 2003–2005. And here are some of the verses that grace the book's last pages.
I can now move on...into writing new poems for my next anthology.
Kahit masikat ang araw
Ay ubod pa rin ng lamig;
Sagad-butó—aking ginaw.
Madulas na ang kalye
Dahil sa tunáw na yelo—
Magmadali ay di p'wede.
Dapat makapal ang suot,
Tag-ñebe ay narito na;
Ulo't kamay ay may saplot.
Nakalilibang pagmasdan—
Kaputian ng paligid—
Hatid ay katahimikan.
Kahit ano ang panahon,
Musika'y di nawawala—
Karamay sa bawat hámon.
Madalas nakatunganga;
Tanghali lagi ang gising;
'la naman kasing magawa.
Meron nga ba akong silbi?
Darating nga ba ang s'werte?
Mangyari ngang pakisabi.
Bawat laglag ng dahon ay
Ambagal sa 'king paningin—
Tulad rin lang ng tagumpay.
May nabasag na salamin—
Signos raw ng kamalasan—
'sa na namang pamahiin.
Lahat nga ba'y may dahilan?
Di ako naniniwala.
Lahat nga ba'y may hangganan?
H'wag ka nang magpaliwanag,
Hindi na kailangan 'yan.
Isa ka rin namang bihag.
Paulit-ulit ang búhay.
Inip na inip na ako.
Hanggang kaylan maghihintay?
2 Comments:
At Friday, February 24, 2006 8:20:00 AM, Anonymous said…
Brilliant!
More success to you, my friend eLf!
jayge
At Sunday, March 05, 2006 3:56:00 PM, eLf ideas said…
Jayge,
Thanks! How's work these days?
By the way, I finally got the package from Cha which included the t-shirts she bought from you.
I'll post photos with them soon.
By the way, na-publish rin sa wakas ang isang article ko sa isang popular newspaper dito. May kasunod na; sana magtuluy-tuloy na yung column.
Post a Comment
<< Home