I Miss You
.
.
Ano nga ba ang "I miss you" sa Filipino?
Maraming beses na ring naitanong sa akin ang mahiwaga't mapanubok na katanungang iyan. Ultimo mga bagong kakilala ko na, dito na tumanda sa Canada ay para bang sinusubukan ang wikang Filipino sa tuwina itatanong nila 'yan sa akin. May badya-ng-tagumpay nilang sasabihing "wala" nga raw katumbas sa wikang Filipino ang salitang miss sa pangungusap na "I miss you." Siyempre, hindi ako makapayag nang basta-basta; subalit anumang pilit ko sa aking isipang mabigyan ng kahulugan sa Filipino ang "I miss you," hindi ko magawa. Magsasabi ako ng mga pangungusap na, bagama't hawig ang ibig sabihin, kung iistimahin kong maige ay sablay pa rin. Halimbawa,
"Dama ko ang kawalan mo sa akin."
"Dama ko ang pagkawala mo."
"Ako ay nangungulila."
Sapagkat, ang katumbas (o kahawig) ng mga pangungusap na 'yan sa English ay
"I feel your absence."
"I am solitary."
"I feel alone."
Na, may kalayuan pa rin sa "I miss you."
All Languages—Spoken or Written—Are Imperfect
"All writing systems and their scripts, no matter how revered or innovative, are imperfect and conventional, being an approximation—not a reproduction—of speech."—Steven Roger Fischer, A History of Writing (2004, Reaktion Books Ltd.)
Ano nga ba ang dahilan at maraming salita, parirala, at pangungusap na Ingles na mahirap isalin sa Filipino? Dahil ba inferior ang wikang Filipino sa wikang Ingles? Pero, marami rin namang salitang Filipino na mahirap hanapan ng katumbas sa wikang Ingles, di ba? Gaya ng mga katagang-padamdam (interjections) na tulad ng "Sayang!," "Hala!," at "Lagot!"
Bakit nga ba? Pagsasalin nga lang ba mula English tungong Filipino at vice versa ang nagkakaroon ng ganyang problema? Hindi. Ang katotohanan ay nararanasan ng lahat ng lenggwahe ang mga ganyang problema sa pagsasalin, hindi lang ng mga wikang Filipino at Ingles.
Chinese, Japanese, Mandarin, Yemeni, Cypriot, Abenaki, Punjabi, Nimanbur, Oksapmin, Bisaya, Lakhota.... Naku, aabutin tayo ng hindi lang pitu-pito o siyam-siyam, dahil ilang libong lenggwahe lahat-lahat iyan, na ginagamit ng bilyung-bilyong lahi't kultura sa buong mundo. At sa tingin mo ba, may bukod-tangi sa mga wikang 'yan na kayang tapatan o tumbasan ang bawat salita sa ibang lenggwahe? May bukod-tanging wika ba na masasabi nating "perfect and complete"?
Ayon sa maraming linguists, wala. Ultimo ang English, na naturingang isa sa mga gamit-na-gamit na lenggwahe sa buong mundo, ay depektibo at malaki pa rin ang kakulangan sa aspetong iyan; sa simpleng kadahilanang "Language is a living thing"—patuloy ang ebolusyon nito, dahil patuloy na ginagamit ng mga tao—may nababawas, may nadadagdag; lalo na kung ang spoken language ang bibigyan ng pansin (at hindi lamang written language). Araw-araw ay may salitang nalalaos o naiimbento, sa halos lahat ng wika in their spoken forms. Subalit, hindi rin naman nangangahulugang puwede na nating gamitin nang agad-agad sa written form ang mga bagong dagdag na mga salitang iyan. Kinakailangan munang ma-legitimize officially ang mga ito. Kaya kung formal writing ang pag-uusapan, para sa isang manunulat na gaya ko, dalawang media ang pinagpipilian ko: English o Filipino. Karagdagan, unti-unti na ring natatanggap ang Taglish (kumbinasyon ng Filipino at English); pero hindi nangangahulugang wala nang susunding pamatakarang balarila (grammar) kapag Taglish ang napiling gamitin; at minimál lang dapat ang gamit ng mga banyagang salita.
Oo, sa spoken language (Filipino man o Ingles), madaling makalusot ang grammatical errors, lalo na s'yempre ang pagbabaybay (spelling), tense, case, voice, parallelism, punctuation, at kung anu-anupang elemento ng balarila; subalit hindi nangangahulugang maaari na nating palampasin ang mga 'yan pagdating sa written language.
Ayon nga sa isang Filipino linguist, hindi raw dapat ituring ng isang Filipino na napakadaling gamitin ang wikang Filipino—kumpara sa English language—dahil, gaya ng kahit anupamang lenggwahe, ang Filipino—naturál!—ay may sarili ring balarila na dapat pag-aralan, sundin, at respetuhin—balarila na, tulad rin ng sa anupamang wika, maaaring malusutan ng mga kamalian, lalo na sa spoken form, kung babalewalain. Sabagay, huling-huli rin naman (at hindi katanggap-tanggap) kung sa written form lilitaw ang blunders na 'yan—lalo na kung formal writing ang pag-uusapan.
Kaya, kung ikaw ay Filipino at nais mong magsulat na ang gamit ay hindi English (at wala ka rin namang alam na dayalekto, lalo na at magiging limitado ang iyong mambabasa kung dayalekto ang gagamitin), dalawang uri o antas ng sariling dila ang maaari mong pagpilian:
Una, Filipino (kabilang rito ang mga hiram-na-salita [loanwords] – mga salitang hiram sa banyagang wika o sa mga lokal na dayalekto na officially legitimized o naturalized na sa wikang Filipino).
Pangalawa, Taglish [tulad ng istilo na gamit ko sa lathalaing ito] – wikang Filipino na hinaluan ng mangilan-ngilang English words; lalo na kung ang mga banyagang salita na kinakailangan mong gamitin ay hindi mo agad mahanapan ng katumbas sa sariling wika o sadyang wala talagang tumpak na katumbas, o kinakailangan mo talagang gamitin para sa emphasis. Ngunit, hindi ibig sabihin ay maaari mo nang pagsamahin ang Filipino at English (o kahit anupamang lenggwahe) sa iisang komposisyon na para kang gumagawa ng fruit salad o halu-halo. Ibayong ingat pa rin ang nararapat; hangga't mayroong salitang Filipino na tutumbas sa English word na gusto mong isulat, iyon ang nararapat mong gamitin.
Isa pang karagdagan, ang wikang Ingles ay hindi rin naman puro. Tulad ng Filipino, ito ay mayaman din sa mga hiram-na-salita. Haiku, yurta, skáld, avant-garde, cañon—mga salitang bagama't nasa diksiyonaryong Ingles na ay orihinal na galing sa wikang Hapones, Ruso, Icelandic, Pranses, at Español. Ultimo ang salitang 'bundok' ay tanggap na rin ng diksiyonaryong Ingles: boondocks – a remote and undeveloped area. Isa pang pagpapatunay itong isinulat ni Steven Roger Fischer sa librong A History of Writing: "English spelling is hybrid—the product of Anglo-Saxon, French, and classical traditions with many outside influences."
"Teka, ano na nga ba ang 'I miss you' sa Filipino?"
Wala nga ba? Wala nga bang katumbas ang "I miss you" sa wikang Filipino? Sa tingin ko, meron. Oo, siguradong may katumbas 'yan. Sige, subukan natin...samahan n'yo 'kong magpaliwanag.
Mangyaring gamitin muna natin ang pangungusap na "I love you" bilang halimbawa.
Kapag isinalin iyan nang literál sa Filipino, heto ang kalalabasan:
"I love you" = "Ako mahal kita."
Subalit dahil hindi naman nararapat na laging literál ang pagkakasalin sa bawat salita o pangungusap—upang hindi lumabas na katawa-tawa o alanganin sa pandinig—lalo't ang mahalaga, at ang habol naman natin, ay ang mapanatili ang kahulugan nito,
Ang "I love you" sa Filipino ay mas tumpak kapag tinumbasan ng
"Mahal kita" – kung spoken (dahil active ang preferred na voice kapag spoken Filipino)
"Ikaw ay mahal ko" – kung written (dahil passive voice naman ang preferred kapag written Filipino); di tulad ng English grammar na ang preferred voice ay active, spoken man o written.
Ngayon, i-apply na natin sa "I miss you" ang ginawa natin sa "I love you." Dapat ay halos ganyan din ang maging istraktura nito.
Kaya,
Dahil ang 'miss' ay verb, nararapat na hanapan natin 'yan ng katumbas na pandiwa...hindi kinakailangang eksakto, subalit hangga't maaari ay iyong pinakamalapit ang nais ipakahulugan. Gabay natin ang tinuran ni Fischer na "writing systems being an approximation, not a reproduction...."
In English, miss, in the sense we are discussing, means "to feel the lack or loss of." Its synonyms include crave, desire, feel loss, long, need, pine, wish, and yearn.
Kaya, tama pala yung naisip kong katumbas kanina: "Dama ang kawalan o pagkawala." Subalit dahil mahaba nga, bukod pa ay pinipilit nga natin na halos eksakto ang salin, ang naisip kong pinakamalapit na katumbas ng miss sa Filipino ay HANAP-HANAP.
Eureka!
Kung gayon, ang "I MISS YOU" sa Filipino ay
"Hanap-hanap kita." (spoken)
"Ikaw ay hanap-hanap ko." (written)
Naalala ko tuloy bigla yung kanta ng bandang Rivermaya na "Hinahanap-hanap Kita" (Atomic Bomb; 1997, BMG Records). Ano ngayon ang eksaktong salin sa Ingles ng titulo ng kantang 'yan?
Kung ang "Mahal kita" ay " I love you";
ang "Minamahal kita" o "Iniibig kita" ay "I'm loving you";
therefore, ang "Hinahanap-hanap kita" ay "I'm missing you";
Dahil napagtanto na nga natin na ang "I miss you" sa Filipino ay
"Hanap-hanap kita!"

11 Comments:
At Sunday, January 23, 2005 6:22:00 AM, Anonymous said…
Wow, galing! Pwede ba magpa-tutor sa'yo ng English? Hehehe! Hmm, pano naman 'yung "sayang"? As in, "Sayang, sana tinanong ko na sya!"
O kaya eh yung "Kilig" as in, kinikilig ka sa harap ng crush mo? Hehe, pano kaya 'yun? Pero ako iniisip ko pa rin ang medyo malapit na translation nun.
At Sunday, January 23, 2005 2:54:00 PM, eLf ideas said…
Hello! Thank you for appreciating what I've painstakingly wrote here. Hahaha.
"Sayang!"?
"Kilig"?
Tulad na nga ng naipaliwanag ko, hindi kinakailangang eksakto ang katumbas na salin sa Ingles ng mga katagang 'yan. Ang habol natin ay mapanatili ang 'essence' ng salitang isasalin natin.
Ang unang hakbang ay hanapin ang 'synonym' na pinakamalapit, tapos i-maintain ang 'function' ng salitang 'yan. (Kung pandiwa, dapat verbal rin ang 'function' na makikita sa 'translation' nito.)
Kaya,
"Sayang, sana tinanong ko na sya!"
Ang pinakamalapit na salin sa Ingles ng ekspresyon na yan, sa tingin ko ay
"How regretful! I should have asked her/him already."
"Kilig!" (In the sense "kinikilig kapag nandyan yung 'crush'):
Ang una kong ginawa ay hinanap ko ang 'synonyms' ng salitang "kilig"; tapos, tiningnan ko ang kahulugan ng bawat isa, pinipili ang pinakamalapit na tutumbas sa ekspresyong 'kilig' na mapapanatili ang 'sense' at 'feeling' nito.
Eto ang ilan sa nearest 'synonyms' with their meanings:
ecstatic - being in a state of ecstasy; joyful or enraptured
goose bumpy - having goose bumps in response to cold or emotional stress or excitement
jittery - being in a tense state
quavery - trembling because of weakness
skittish - shy; bashful
trembling - feeling anxiety
Ikaw na ang bahalang mamili kung ano sa palagay mo ang pinakamalapit sa 'kilig' in the sense "kinikilig pag nakikita ang crush."
Pero kung ako ang tatanungin mo, ang pipiliin ko ay
"Ecstatic!"
At Sunday, January 23, 2005 2:57:00 PM, eLf ideas said…
Pahabol:
Dahil ang 'function ng "sayang" sa ekspreksyong iyong tinuran ay pang-uri, dapat "adjectival" rin ang English word na itutumbas natin sa kanya, kaya "regretful." Dinagdagan natin ng "how" sa unahan--"How regretful"--upang mapanatili ang "sense" o "feeling" ng ekspresyon.
At Monday, January 24, 2005 6:33:00 PM, JAUGHN said…
Na-SAYANG - Wasted
SAYANG - WASTE
hahaha
Darn!
At Wednesday, January 26, 2005 12:37:00 AM, i. said…
if i remember correctly, i was walking home from the market when u texted me abt this "i miss u translation in fil" thingy...and i promptly replied "hinahanap-hanap" ryt? it wasnt that hard to think of a translation, really. i was actually surprised u had to go thru this length to explain. well, maybe it's coz uve been asked this q one time too many, huh? anyways, you're ryt, like other languages, there are lots of fil words/phrases that dont have exact translations in english...yeah, wed just have to make do with the word/phrase with the nearest meaning. who really cares, anyway? let them brown americans/canadians/etc gloat whenever they find fil/tagalog 'lacking', coz if that's how they were brought up (to see everything filipino as second-best or plain mediocre), then that's the way theyll continue to be. it's the attitude. no good 'defending' our natl language before them.
but then again, i also admire u for writing this post, at least u still TRY to 'educate' them (referrin to y'know who and her kind). there, i just contradicted myself. whatever.
At Wednesday, February 01, 2006 3:19:00 AM, Anonymous said…
Very impressive. Parang Filipino 101. Ano nga pala sa tagalog ang "New Wave Music"?
Bonn (Greece)
At Wednesday, February 01, 2006 12:27:00 PM, eLf ideas said…
Bonn,
Salamat sa pagtangkilik.
Tulad ng sinasabi ko sa artikulo, hindi lahat ng salita sa bawat lenggwahe e mayroong katumbas sa ibang wika. Lalo na yung mga bagong salita na nagbuhat sa ibang kultura.
Minsan kapag isinalin natin nang literal e nagiging katawa-tawa o alanganin o pilit.
Besides, kapag proper nouns e karaniwang hinahayaan na lang na gamitin ang mga ito ng "as is."
Naalala ko tuloy yung nagtatrabaho pa ako sa Diwa, may project kami na i-edit yung Philippine History book ni Zaide, e paano pati mga proper names e isinalin n'ya sa Filipino; naging katawa-tawa tuloy. Naalala ko rin si Jimmy Santos.
Halimbawa,
Black Sea
Dead Sea
Cold Mountain
Rock Music
Yellow River
Hindi na dapat isalin pa yan, pwede nang gamitin "as is."
Itim na Dagat
Patay na Dagat
Malamig na Bundok
Musikang Bato
Dilaw na Ilog
Nasisira ang essence ng proper names kapag ginawang tulad ng nasa itaas.
At Sunday, February 26, 2006 6:10:00 PM, Anonymous said…
Galing mo sir, sana kami din makarating dyan, sana maalala mo pa ko, cs kita sa quorum. Brando Visto (maranaeladan@yahoo.com)
At Sunday, February 26, 2006 6:13:00 PM, Anonymous said…
Isa kang CHUBIVO! Di mo man ako kilala, pero hanga ako sa iyo noon pa man sa QUORUM pa lang tayo. Good Luck! More blessings ang gigs to come! LVB of RAM group batch '97(yasdyl2004@yahoo.com)
At Sunday, February 26, 2006 6:41:00 PM, eLf ideas said…
Brando,
Of course, I remember you! P'wede ko ba namang malimutan yung groupmates ko. Kayo nina Arnold, Alfred, Albert, Junski, May, Emma, Gloria, Cielo, grabe...andami n'yo. Hehehe. Actually, lagi kong binabalik-balikan mga times na yun. Because of my chance to work at Quorum e andami kong natutunan, naging kaibigan at kakilala. At higit sa lahat, nakilala ko rin maige sarili ko.
Kasi, as I read long ago, mas nakikilala raw natin ang sarili kapag nagiging parte tayo ng isang grupo...nasusubok kung hanggang saan ang pasensya at t'yaga. At kung hanggang saan natin kayang tulungan at ibahagi ang nalalaman.
Kumusta na! Basta sikap at t'yaga lang. Ako rin naman, di ko rin lubos maisip na nandito na ako sa Canada. Although, sakripisyo rin muna talaga. Hinihintay ko pa kasi maging immigrant ako, kaya hindi pa rin ako makaabante nang maayos.
Although, marami na rin namang blessings na natatanggap paunti-unti.
Keep in touch! regards sa ibang kagrupo, in case na nagkikitakita pa kayo.
At Sunday, February 26, 2006 6:43:00 PM, eLf ideas said…
LVB,
Thank you very much for expressing your appreciation and admiration. People like you keep on inspiring me to continue whatever good I'm doing.
Keep in touch! and best wishes for the rest of the year.
Post a Comment
<< Home