The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Monday, October 29, 2012

Are You a 'Backmasked' Thinker?

(On the Myth of Backmasking and Folly of Backward Thinking)
by aLfie vera mella


Madali ka bang maniwala sa mga sabi-sabi, mga hakahaka, mga tsismis, at mga maling akala? Hindi ka ba muna nag-iisip bago ka mauto? Hindi mo ba muna pinag-aaralan at inaalam ang ugat ng bawat kaalaman bago ka mag-desisyong gumawa ng sarli mong konklusyón?

Mula nang nakapagtrabaho ako sa Diwa Scholastic Press Inc., mula 2000 hanggang 2003, naging maingat na 'ko sa pagpili ng salita sa aking mga lathalaing isinusulat. Malaki talaga ang naging impluwensya sa 'kin ng trabaho ko ruon bilang editor at writer ng scholastic textbooks at magazines. Syempre, hangga't maaari ay hindi dapat offensive ang language at approach, dahil panay students at teachers ang target readers ng publications namin; bukod pa, dapat ay well-founded ang topics na isinusulat namin; dapat well-researched, hindi p'wedeng masyadong opinionated o hula-hula lang, kundi tanggal ka sa trabaho pag may nagreklamong eskwelahan.

Naalala ko tuloy nung bago pa lang akong editor ng BatoBalani Science & Technology Magazine for Highschool. Meron kasing magazine section na pinangalanang "Pseudoscience," kung saan ay tinatalakay ko ang false beliefs, mga paniniwalang matagal nang pinabulaanan ng scientific explanations. Ilan sa topics na ni-feature ko ay "Horoscope," "Palmistry," "Exorcism," "Speed-reading," "Paglilihi," "Agimat at Anting-anting (Amulets)." Ang sarap talakayin ng mga usaping iyan, mainly because hindi talaga ako naniniwala sa mga 'yan kaya napakadali, para sa akin, na i-refute ang mga ito sa tulong ng references at researches ko. Pero...

Isang topic ang muntik ko nang ikatanggal sa trabaho—"Backmasking"!

Ang approach ko kasi sa pagsulat ng article na 'yan ay masyadong strong...masyado kong binatikos. Hahaha! Basta, sinabi ko na ako mismo ay nag-conduct ng actual backmasking (which I really did) to explain the process. Ang bottomline: Kahit anong klase pang kanta (kahit spoken sentence) ang babaligtarin natin, weird ang magiging tunog nito...at meron at merong tatamaang "offensive message," o ika nga ng mga makikitid ang utak, "mensaheng galing kay Satanas."

Halimbawa, ang banda ko ay nag-compose ng isang kanta tungkol sa kalagayan ng Pilipinas...ako ang lyricist, ganito ang ilang words na naisip kong isama sa lyric:

"Huwag na sana taasan ang presyo ng mga bilihinHirap na hirap na n'yan palagi ay taumbayan...."

Tapos nai-record namin at nai-release...sumikat sa radio, dumami ang tumangkilik...pero dahil "Rock" ang genre—dagdag pa ang weird kong porma (na ika nga ng mga makikitid ang utak, lalo na nuong '80s...pormang "Satanista")—e napansin ng mga ipokritong moralista. Binatikos ang kanta, sinubukang i-backmask.

The Process of Backmasking
Ang backmasking ay ang pagpapatugtog-pabaligtad sa isang piraso ng musika o awitin. Madali itong gawin kung ang kantang iba-backmask ay nasa vinyl format, o plaka—walang gagawin kundi ang iikot lang ang plaka nang pabaligtad (counter-clockwise). Kung cassette tape naman, medyo matrabaho—kinakailangan e buksan mo ang cassette para makuha mo yung tape sa loob; babaligtarin mo ang pagkaka-spool nito, ibabalik uli sa loob ng cassette, tapos patutugtugin mo na. Kung CD naman, hindi ako sigurado pero baka may mga software na available para mapatugtog nang pabaligtad ang laman ng audio CD.

Backmasking is “a recording technique in which a sound or message is recorded backward on to a track that is meant to be played forward. Backmasking is a deliberate process, whereas a message found through phonetic reversal may be unintentional.”

Kung iyong susuriing maige ay wala namang nangyayaring extraordinary sa backmasking kundi ang mapatugtog lang nang pabaligtad ang kantang ni-backmask mo.  

Balik tayo sa halimbawa ng lyric na ni-compose ko:

"Huwag na sana taasan ang presyo ng mga bilihinHirap na hirap na n'yan palagi ay taumbayan...."

Ayun na nga, napagtripang batikusin ng ilang ipokritong moralista ang kanta naming iyan, na ayon sa kanila ay may hidden demonic message daw; kasi nung ni-backmask nila ay may lumabas na Satanic references. Eh, natural may tatamaan at tatamaang salita...

Ngayon, subukan nating i-backmask 'yung lyric na sinulat ko; ang epekto lang naman n'yan ay parang binasa mo yung lyric mula dulo hanggang simula...

Ang huling salita ay "taumbayan," ang una ay "h'wag"; kaya, dapat ang pagbasa ay pabaligtad mula sa "taumbayan" hanggang "h'wag."

Ganito ang magiging basa:

Nayabmuat ya igalap nayin an parih an parihNihilib angam ngan oyserp nga nasaat anas nga gawuh...

Hypocritical Moralists
Pustahan tayo, kapag ipokritong moralista ang nakarinig ng backmasked version ng lyric na 'yan e eto ang ipipilit na narinig n'ya:

Nayamot...patayin ang pari...ang pari
...libangan...ay sarap nga na Satanas nga gawin!

E, halos dalawang sentences pa lang 'yan, eh paano na kung buong kanta ang i-backmask? E di andaming mga mishearing na mangyayari, na napakadaling bigyan ng mala-demonyong kahulugan.

Sa prosesong iyan ng backmasking, e hindi lang mga kantang nasa genre ng "Rock" ang kariringgan ng ganyang "hidden messages." Pustahan, kahit ang "Lupang Hinirang," o di kaya ang spoken version ng Holy Bible, kapag ni-backmask ay kariringgan din ng sangkaterbang "demonic messages" na ganyan.

Mabalik tayo sa nangyari na nga noong nai-publish na 'yung issue ng BatoBalani kung saan nandun 'yung article about backmasking...

Naka-receive ako ng phone call from my then boss (Executive Editor), informing me that he received a call from the head of a Catholic schools association; e malaking percentage pa naman ng subscribers ng Diwa ay Catholic schools. Nagrereklamo nga raw sa Pseudoscience article na "Backmasking," which they found offensive to the Catholic faith; threatening us na ipu–pull out na raw nila ang pagiging subscriber nila! Nataranta talaga ako, feeling ko e katapusan na ng career ko bilang editor. Ni-explain ko naman nang maayos sa boss ko 'yung details ng topic, tapos 'pinakita ko sa kanya lahat ng references ko, pati na rin 'yung sarili kong findings. Tapos, sabi n'ya ay ihanda ko lahat 'yun at magkakaroon daw kami ng meeting with the said Association.

Sa awa ng BatoBalani, hindi natuloy 'yung meeting. Although, excited rin ako, kasi, imagine, I would have had the chance to speak and present in front of priests! Chance ko na sana na ako ang mag-sermon sa kanila, with matching projector-and-white-board presentation pa.

Ang ginawa yata ng boss ko ay ipinadala na lang sa tumawag sa kanya ang lahat ng reference materials na ibinigay ko sa kanya. Siguro nahimasmasan rin yung mga pari na 'yon. O baka sinubukan din nila muna 'yung proseso na ginawa ko.

Hay, kundi e natanggal ako sa trabaho dahil sa backmasking na 'yan!

Naging mas maingat na ako sa pagsusulat mula nuon. Pero, matigas pa rin ang ulo ko. Sige pa rin ang sulat ko ng controversial articles; ang ginawa ko lang ay laging
ready ako to back them up with researches and reliable references.

Sa Madaling Salita
Sa panahon ng Internet e mga tanga, mangmang, ignorante, at kapos sa kaalaman at kakayanan na lang ang napag-iiwanan. Sa dami na nang impormasyong madaling matutunan e nararapat na pasulong ang takbo ng iyong isip imbes na pabaligtad na gaya ng backmasking at ipinipilit pa rin ang paatras na pag-iisip.

Or, in Simple Words
In the Internet age, only the stupid, the dumb, the ignorant, the intellectually irresponsible, and the educationally challenged are left out in the dark and sad state of misinformation and misconception.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home