The Thirty-sixth of a Dozen Verses
...
Photo taken on October 22, 2005, near St. Joseph's Church in Winnipeg, Manitoba, where we regularly attend mass: I'm virtually never without a smile and something to read
Another series of waluwaluwaló – short Filipino poems of three eight-syllable lines (8-8-8) with the rhyme pattern a, b, a.
Another dozen verses I wrote in the last days of Summer...
Sobra ang síkat ng araw—
Di ko tuloy mapagmasdan,
Talagang nakasisilaw.
Hindi ka p’wedeng mabuhay
Tulad ng habang-panahon.
Lahat tayo’y mamamatay.
Katulad rin ng trapiko,
Ang buhay ng bawat tao’y
Bumabagal…humihinto.
Unti-unting humihimlay
Ang araw sa may kanluran.
Ganyan din ang ating buhay.
At ang araw ay lumubog
Sa dulo ng walang-hanggan;
Ngunit nasa’n ang b’wang bilóg?
Ako ay kinakabahan
T’wing si Lolo’y humihingal—
Baka kasi matuluyan.
Hayun! Bilis! Iyong masdan—
Sangkawan ng mga ibon,
Papunta sa kalawakan.
Sige na, iyong ibulong
Habang pikit mga mata:
“Tayo’y laging magkukulong.”
Mistulang patak ng tubig
Sa tuyot na kabukiran—
Halaga ng ’yong pag-ibig.
Naman! Gabi-gabi na lang,
Si Lolo’y tahul nang tahol,
Kaya ako’y nabubuang!
“Konting tiis na lang, aLfie,
At makalalaya ka rin.”
’la na ba kayong masabi!
Leche! Kayo kaya rito
Nang matikman n’yo ang hirap.
Hay, sawang-sawa na ako.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home