The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Friday, October 28, 2005

Hanyo, magkikita-kita rin tayong muli

...
Photo taken in August 2003, I with my nephews Anthony Kevin and Aki and niece, Arianne Kyle
.
My third sister, Kim, and Kevin, her son (2004)
.Arianne, Kim's eldest (2004)

Kevin: "Mommy, gusto ko ng bagong laruan." [Mom, I want a new toy.]
Kim: "Hamo, bibili tayo sa s'weldo ko." [Don't worry, we'll buy one on my payday.]

$$

Arianne with little brother, Kevin: "Mommy, antagal na nating hindi nanonood ng sine, ah." [Mom, it's been a while since we watched a movie.]
Kim, addressing Arianne and Kevin: "Hanyo, sa Sabado manonood tayo ng sine sa Glorietta." [Don't worry, on Saturday we'll watch a movie at Glorietta.]

$$

Hamo is a contraction of the phrase "hayaan mo"; while hanyo, of "hayaan n'yo." Hamo and hanyo have long become legitimate Filipino imperative verbs used to express assurance. In English, both contractions may translate to "Don't worry" or "Don't mind."

$$

Mga mahal kong pamangkin,

Kamusta na kayong lahat d'yan sa Pilipinas? Palagi ko kayong hinahanap-hanap. Sana'y hanap-hanap n'yo rin ako. Hanyo, sandali na lang; isang taon at kalahati na lang at muli na tayong magkikita-kita. Naku, siguradong babaha ng luha sa Ninoy Aquino International Airport—luha ng kagalakan, luha ng pasasalamat.

Nagmamahal,

Tito aLfie

2 Comments:

  • At Friday, December 02, 2005 6:05:00 PM, Anonymous Anonymous said…

    in fairness ang ganda ko dito ha!!!!hehehe...=)
    kya lng si kevin parang sanggano...at sobra pasaway..lalo na ngaun...suli nga ako sa school e... sobrang bully!!!! ngaun ko masasabi na talaga pa lang mahirap kapag matigas ang ulo ng anak mo... naisip ko tuloy yung kabataan ko... kawawa naman ang mga lola charing...hehehe... at nakakahiya pala pag pinapatawag ka ng adviser lalo na pag principal...hay...ang buhay nga naman... tama pala pag sinasabi ng mga magulang natin na..."pag tanda nyo at nag kaanak na kayo,mararamdaman nyo rin ang nararamdaman namin..."... tama! ganun na nga! =)

    kim

     
  • At Saturday, December 03, 2005 3:24:00 PM, Blogger eLf ideas said…

    Dear Kim,

    First of all, Happy Birthday!

    'buti naman at tumatanda ka na rin pala, dahil nararamdaman mo na ang pagiging magulang. Hahaha!

    But, I'm proud of all of you for remaining as kind and loving as how I knew all of you to be.

    Kelangan lang n'yan ni Kevin ng guidance. Alalay lang sa sermon. Alam mo naman, di ba? na kapag lagi kang sinesermunan ng nanay e nakakabwisit din. Hahaha!

    Ingat kayo lagi lahat d'yan.

    Ako e okey naman dito kahit papaano.

    Hindi pa naman ako nababaliw nang tuluyan sa kakaisip. Hehehe.

    kuya

     

Post a Comment

<< Home