Random Thoughts of a Bored eLf
.
Dahil wala akong maisip na isulat sa blog site ko the past few days, lalo na at nagluluko yata ang Picasa—ang ginagamit kong free software sa pag-a-upload ng photos (hindi tuloy ako makapag-post ng pictures from my latest adventures—naisip ko na lang na mag-post ng random thoughts tungkol sa mga walang kakwenta-kwentang bagay; pero dahil nga sa wala rin namang kwenta ang takbo ng buhay ko sa pangkasalukuyan, e wala rin naman akong choice kundi ang isulat ang mga ito.
(1) Backmasking
Mula nuong mapasok ako sa Diwa Scholastic Press Inc., mula 2000 hanggang 2003, naging maingat na 'ko sa pagpili ng salita sa aking mga lathalaing isinusulat. Malaki talaga ang naging impluwensya sa 'kin ng trabaho ko ruon bilang editor at writer ng scholastic textbooks at magazines. Syempre, hangga't maaari ay hindi dapat offensive ang language at approach, dahil panay students at teachers ang target readers ng publications namin; bukod pa, dapat ay well-founded ang topics na isinusulat namin; dapat well-researched, hindi p'wedeng masyadong opinionated o hula-hula lang, kundi tanggal ka sa trabaho pag may nagreklamong eskwelahan.
Naalala ko tuloy nung bago pa lang akong editor ng BatoBalani Science & Technology Magazine for Highschool. Meron kasing magazine section na pinangalanang "Pseudoscience," kung saan ay tinatalakay ko ang false beliefs, mga paniniwalang matagal nang pinabulaanan ng scientific explanations. Ilan sa topics na ni-feature ko ay "Horoscope," "Palmistry," "Exorcism," "Speed-reading," "Paglilihi," "Agima't Anting-anting (Amulets)." Ang sarap talakayin ng mga usaping iyan, mainly because hindi talaga ako naniniwala sa mga 'yan kaya napakadali, para sa akin, na i-refute ang mga ito sa tulong ng references at researches ko. Pero...
Isang topic ang muntik ko nang ikatanggal sa trabaho—"Backmasking"!
Ang approach ko kasi sa pagsulat ng article na 'yan ay masyadong strong...masyado kong binatikos. Hahaha! Basta, sinabi ko na ako mismo ay nag-conduct ng actual backmasking (which I really did) to explain the process. Ang bottom-line: Kahit anong klase pang kanta (kahit spoken sentence) ang babaligtarin natin, weird ang magiging tunog nito...at meron at merong tatamaang "offensive message," o ika nga ng mga makikitid ang utak, "mensaheng galing kay Satanas."
Halimbawa, ang banda ko ay nag-compose ng isang kanta tungkol sa kalagayan ng Pilipinas...ako ang lyricist, ganito ang ilang words na naisip kong isama sa lyric:
"Huwag na sana taasan ang presyo ng mga bilihin
Hirap na hirap na n'yan palagi ay taumbayan...."
Tapos nai-record namin at nai-release...sumikat sa radio, dumami ang tumangkilik...pero dahil "Rock" ang genre—dagdag pa ang weird kong porma (na ika nga ng mga makikitid ang utak, lalo na nuong '80s...pormang "Satanista")—e napansin ng mga ipokritong moralista. Binatikos ang kanta, sinubukang i-backmask.
Ang backmasking, nga pala, ay ang pagpapatugtog-pabaligtad ng isang piraso ng musika o awitin. Madali itong gawin kung ang kantang iba-backmask ay nasa vinyl format, o plaka—walang gagawin kundi ang iikot lang ang plaka nang pabaligtad (counter-clockwise). Kung cassette tape naman, medyo matrabaho—kinakailangan e buksan mo ang cassette para makuha mo yung tape sa loob; babaligtarin mo ang pagkaka-spool nito, ibabalik uli sa loob ng cassette, tapos patutugtugin mo na. Kung CD naman, hindi ako sigurado pero baka may mga software na available para mapatugtog nang pabaligtad ang laman ng audio CD.
Kung iyong susuriing maige ay wala namang nangyayaring extraordinary sa backmasking kundi ang mapatugtog lang nang pabaligtad ang kantang ni-backmask mo. (Mas madali mong maiintindihan ang proseso kung isa sa favorite subjects mo ay Science & Technology.) Tulad nga ng sabi ko, kahit nga recorded speech lang e pwede rin namang i-backmask, at siguradong may matatamaan ding mangilan-ngilang "offensive words."
Balik tayo sa halimbawa ng lyric na ni-compose ko:

Ayun na nga, napagtripang batikusin ng ilang ipokritong moralista ang kanta naming iyan, na ayon sa kanila ay may hidden demonic message daw; kasi nung ni-backmask nila ay may lumabas na Satanic references. Eh, natural may tatamaan at tatamaang salita...
Ngayon, subukan nating i-backmask 'yung lyric na sinulat ko; ang epekto lang naman n'yan ay parang binasa mo yung lyric mula dulo hanggang simula...
Ang huling salita ay "taumbayan," ang una ay "h'wag"; kaya, dapat ang pagbasa ay pabaligtad mula sa "taumbayan" hanggang "h'wag."
Ganito ang magiging basa:
Nayabmuat ya igalap nayin an parih an parih
Nihilib angam ngan oyserp nga nasaat anas nga gawuh...
Pustahan tayo, kapag ipokritong moralista ang nakarinig ng backmasked version ng lyric na 'yan e eto ang ipipilit na narinig n'ya:
Nayamot...patayin ang pari...ang pari
...libangan...ay sarap nga na Satanas nga gawin!
E, halos dalawang sentences pa lang 'yan, eh paano na kung buong kanta ang i-backmask? E di andaming mga mishearing na mangyayari, na napakadaling bigyan ng mala-demonyong kahulugan.
Sa prosesong iyan ng backmasking, e hindi lang mga kantang nasa genre ng "Rock" ang kariringgan ng ganyang "hidden messages." Pustahan, kahit ang "Lupang Hinirang," o di kaya ang spoken version ng Holy Bible, kapag ni-backmask ay mariringgan din ng sangkaterbang "demonic messages" na ganyan.
Mabalik tayo sa nangyari na nga nuong nai-publish na 'yung issue ng BatoBalani kung saan nandun 'yung article about backmasking...
Naka-receive ako ng phone call from my then boss (Executive Editor), informing me that he received a call from the head of a Catholic schools association; e malaking percentage pa naman ng subscribers ng Diwa ay Catholic schools. Nagrereklamo nga raw sa Pseudoscience article na "Backmasking," which they found offensive to the Catholic faith; threatening us na ipu–pull out na raw nila ang pagiging subscriber nila! Nataranta talaga ako, feeling ko e katapusan na ng career ko bilang editor. Ni-explain ko naman nang maayos sa boss ko 'yung details ng topic, tapos 'pinakita ko sa kanya lahat ng references ko, pati na rin 'yung sarili kong findings. Tapos, sabi n'ya ay ihanda ko lahat 'yun at magkakaroon daw kami ng meeting with the said Association.
Sa awa ng BatoBalani at ng mga anito ko, e hindi na rin natuloy 'yung meeting. Although, excited rin ako, kasi, imagine, I would have had the chance to speak and present in front of priests! Chance ko na sana na ako ang mag-sermon sa kanila. Hahaha! With matching projector-and-white-board presentation pa.
Ang ginawa yata ng boss ko ay ipinadala na lang sa tumawag sa kanya ang lahat ng reference materials na ibinigay ko sa kanya. Siguro nahimasmasan din yung mga pari na 'yon. O baka sinubukan din nila muna 'yung proseso na ginawa ko.
Hay, kundi e natanggal ako sa trabaho dahil sa backmasking na 'yan!
Naging mas maingat na ako sa pagsusulat mula nuon. Pero, matigas pa rin ang ulo ko. Sige pa rin ang sulat ko ng controversial articles; ang ginawa ko lang ay laging ready ako to back them up with my researches. Eh, major bluffer pa naman 'yung boss ko na 'yun, kaya lagi parang merong psychological warfare sa opisina.
Basta ang pinakamagandang lesson na natutunan ko sa experience ko bilang writer/editor sa Diwa ay
Kapag bakla ang boss mo at may pagnanasa sa 'yo at ayaw mong pagbigyan, siguraduhin mong alam mo ang lahat ng ginagawa mo sa trabaho; dahil hahanapan at hahanapan ka ng boss mo ng butas para mapapayag ka n'ya sa gusto n'ya. Sa sandaling magkaroon ka ng major issue tulad na nga ng backmasking na 'yan at hindi mo nai-defend ang sarili mo, dalawa lang ang options na ibibigay sa 'yo ng boss mo: "Tuwad o Resign?"

2 Comments:
At Monday, August 01, 2005 6:19:00 PM, Anonymous said…
alf,
re: backmasking - audio-cd.. pwede.. convert mo muna yung track to any of these formats (mp3, wav, aiff, ogg, au) then use audacity (http://audacity.sourceforge.net/).. load mo yung converted track, then select all, tapos punta ka sa effect menu, select mo reverse...
d-_-b
At Monday, August 01, 2005 7:44:00 PM, eLf ideas said…
d-_-b ,
Thanks for the tip. I'll try this for fun one of these days.
Thank you for fluttering by.
Post a Comment
<< Home