The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Tuesday, March 22, 2005

Two Old Friends Tripping Down Memory Lane (Part 2 of 3)


Illustration: "eLf," by Derrick Periodico

Roderick "Derrick" Periodico is my first-ever best friend in Elementary, circa late '70s. We first met each other in 1978, as classmates in Grade Three; from then on, we became very good friends; still in touch with each other after more than two decades. He is currently working as an artist at a Philippine-based advertising company, involved in making TV commercials. Illustrating has always been Derrick's passion. I remember the very first day I saw him, he was drawing a superhero character in his notebook. He is happily married to his high-school sweetheart, Marie; they have one child, the cute Zak, perhaps named after Zakk Wylde, a Heavy-Metal guitarist who was once the lead guitarist in Ozzy Osbourne's band. Drummer Derrick is a Heavy Metal music enthusiast, who started playing the drums in high school. Posted by Hello

Thu, 9 Dec 2004

hello Mr. eLf,

Nag-aayos ako ng mga kalat ko rito sa office; at may nakita akong lumang drawing ko. Medyo kamukha mo, kaya 'bigay ko na lang sa' yo.

H'wag ka mag-alala, lagi akong nasa blog mo; di lang ako nagko-comment at napakatamad kong magsulat. Sana makita mo na kamukha mo nga yung drawing. Ears were added this afternoon.

dek

Wed, 16 Mar 2005

eLf,

Natuwa ako sa BMX story mo. 'Buti ka pa nga't nagkaro'n ng bike; ako, nung tumanda na lang. Nabuhay ako dati sa angkas at hiram.

At mas natuwa ako sa mga '80s pics mo. Minsan padala ako ng pictures nu'ng bata pa tayo.

derrick

***
Thu, 17 Mar 2005

Derrick,

Actually, kundi dahil nabanggit mo nga sa comment mo about that tuition fee, di ko maiisipang isulat ang story about that BMX. 'Galing talaga! Bawat tao na nakakasalamuha natin may cause and effect sa lahat ng ginagawa natin, lalo na kung kaibigan dahil syempre mas inspiring.

Yun ngang sinasabi kong picture nating tatlo nung Grade Three yatayou, Bayani Sauler, and mehinahanap ko sa mga dala kong pictures pero nawawala. Malamang naiwan ko sa mga baol ko sa bahay namin sa San Pedro. Hindi ko naman maipahanap at busy sina utol at walang t'yaga mga 'yun na kumalkal ng mga "basura" ko sa bahay. Sayang, kasi ang ganda ng kuha nating tatloclose-up, tapos yung mga buhok natin e pare-parehong apple cut. 'Ganda sana na "before and after," dahil, remember, nakapagpakuha tayong tatlo naman ni Darren nung nagkita nga tayo sa Megamall bago ako umalis papunta rito.

'Padala mo na agad 'yung pictures natin nu'ng bata pa tayo; magandang gawan ng stories mga 'yan. Sana meron 'yung tatlo tayo ni Darren. I don't remember the three of us having our pictures taken, pero bakasakaling meron. Nevertheless, basta magkasama tayong dalawa e okey na 'yan. Vivid pa sa memory ko, yung birthday mo (1982 yata 'yun) na um-attend si Ronald nga ba yun, 'yung chubby na classmate mo, tapos nag-scooter yata tayo, then hinabol tayo ng aso sa Annex 1618? Nasira nga ba 'yung sapatos ni Ronald o 'yung pantalon n'ya? Ha-ha-ha, memories! Di ko na nga lang maalala yung details. Tapos, naaalala ko na may picture ako na, sabi ni Ronald itaas ko raw dalawa kong kamay, tapos yung maliit na two-tined fork para sa birthday cake itinaas nya, sabi n'ya parang ako raw yung tinidor, kasi nga payatot ako. Ha-ha-ha.

By the way, Grade Two nga ba tayo unang naging magkaklase? Basta ang natatandaan kong sections and advisers ko: Grade 1 Santan, Ms. Magpoc; Grade 2 Gumamela, Ms. Almaden; Grade 3 Chico, Ms. Matutilla; Grade 4 Marquerite (nga ba?), Ms. Almadin. Then, lumipat na nga ako sa Hen. Pio del Pilar Elementary School. Nung pagbalik ko ng St. Mary's the next year, s'yempre ahead na kayo nina Felix at Bayani. Gr. 5 Macopa (Mrs. Lising) at Gr. 6 Blueberry (Ms. Manguera) naman ang naging sections ko. Naaalala ko pa, uso ang "change sections" noon, di ba? Yung tipong isha-shuffle tayo. Naasar nga ako nuon, kasi ang hirap mapunta sa first section; di pa naman p'wede maging honor student ang hindi tagasection one. Palibhasa, yung teachers hinahakot lagi yung mga dati nang nasa first section. Kaya kung naumpisahan nang nasa lower section ka e halos hanggang duon ka na lang hanggang graduation. Ang tingin ko tuloy lagi nuon eh ang tatalino lahat ng nasa section one. Ha-ha-ha.

O s'ya, ipadala mo na agad yung scanned pictures natin.

aLfie

2 Comments:

Post a Comment

<< Home