The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Monday, March 21, 2005

Two Old Friends Tripping Down Memory Lane (Part 1 of 3)


Photo taken in August 2003, days before my departure to Canada, at ShoeMart Megamall in Mandaluyong City, Metro Manila, Philippines: My first-ever school best friend Derrick Periodico, I, and his elder and only sibling, Darren. Posted by Hello [I arrived in Canada weighing only about 105 lbs; my current weight is about 118 lbs. Twelve pounds more and I'd certainly be content.]

Mon, 18 Aug 2003

halfie,

Na-print ko na yung picture na pinadala mo. Binigyan ko si Tito Emer ng kopya.

Naaalala mo pa ba one time, birthday ko, may gift ka sa 'kin na pencils? Hanggang ngayon, 'yun pa rin ang ginagamit kong pencils sa trabaho ko, kumpleto pa rin, three pieces. Madami nang nagawang commercials 'yun. Pati 'yung latest ko sa Jollibee ('yung mag-inang nasa church). Di kaagad ako sumagot sa 'yo para maka-settle ka muna r'yan sa Canada.

derrick

P.S.:
Gano'n ba talaga 'pag nasa Canada na—dume-deretso ang Ingles? Hehehe.

Wed, 21 Apr 2004

hi halfie!

Isa pa rin kid ko, si Zak pa lang. He just turned three last April 19. 'Yung ibang nakita mo sa phlog, mga talent ko 'yun sa isang TV commercial. Medyo kamukha nga ni Zak mga bata ru'n, he-he.

Nagkaroon ng Sta. Clara Alumni Homecoming a couple of months back. Nandun si Rain; nagkita kami. Medyo marami rin ang um-attend, pero marami ring wala; isa ka na ru'n, at si Felix. Try mo i-search sa Yahoogroups Santa Clara and get updates from your batch. Nakakatuwa rin; 'daming k'wento, 'daming photos.

Si Felix rin, wala na 'kong contact, pero naging client namin 'yung isa n'yang brother from Bayer Philippines. Umalis na nga lang din at pumunta ng Canada even before makuha ko ang contact number or email addy ni Felix.

I still have our photos from way back; I'll look for them, and scan them for you. Maganda na ring ma-digitize mga 'yun; medyo naluluma na rin.

***
October 2004
Derrick,
Thirty-four ka na! Sabagay, ako, sa January, eh 34 na rin. May you have a prosperous family life.

How's Darren now? Long-haired ka pa rin?

Oo nga pala, madalas ko mapanood sa music channels ang Motley Crue and Kiss; ikaw lagi ang naaalala ko. During the time na wala pa akong hilig sa bands ay 'yan na ang posters mo sa house n'yo sa BLS [Better Living Subdivision], right?

O s'ya, hanggang sa muli.

aLfie

***
Tue, 26 Oct 2004

alfie,
Yup, one week na lang tatanda na naman ako. Pero okey lang, mas masaya; p'wede na 'kong maging DOM.

Di pa rin ako nagpapagupit; same pa rin nung last tayong nagkita, sa Megamall, before ka umalis [see photo above]. Si Darren masaya na rin sa Riyadh. (Mas matanda na 'yun, 35 na s'ya nu'ng Oct. 16.) May nakita na s'ya ru'ng classmates n'ya dati.

Madalas ka pa ring kumustahin nina Tito Emer sa 'kin. Minsan pinapabasa ko e-mails mo; sine-save ko ibang e-mails mo; lalo na 'yung may mga tumatama sa 'kin (Lalo na 'yung may pictures mo through the years at kung ano magiging itsura mo pagtanda.)

Dito naman medyo may movement na naman ng New Wave; maliit lang pero solid. Hinahanap ko pa rin minsan sina Rain, baka sakaling naliligaw.

Sulat ka lang lagi. Babasahin ko rin lagi, kahit gaano kahaba!

O s'ya, paalis na naman ako, papunta sa isang walang k'wentang meeting.

babay,
Dek

0 Comments:

Post a Comment

<< Home