Mas Mas'werte Ka Nga E
Meron akong isang kakilala na nandito rin sa Canada (ibang probins'ya nga lang) kasi caregiver din siya. Nag-e-mail siya sa 'kin, sinasabi na mas mas'werte raw ako sa kanya kasi kamag-anak ko ang inaalagaan ko. Eto mismo ang sabi n'ya sa 'kin:
'buti ka pa, kamag-anak mo lang ang inaalagaan mo; [samantalang] ako, ibang tao na, Jewish pa. Kelangan ng pagkarami-raming adjustments sa araw-araw.
Ang sabi ko naman sa kanya:
Alam mo, minsan, mas masarap pang makisama, lalo na ang magsilbi, sa hindi mo kamag-anak; kasi bukod sa pinapasahod ka na at sinusunod ang oras ng trabaho at may araw ng pahinga, wala pang personalan. Kapag kamag-anak kasi, kadalasan ay hindi nila nakikita ang tulong o sakripisyo na ginagawa mo e; mas naipaparamdam nila sa 'yo na utang na loob mo na mapunta ka sa bansang tulad ng Canada. Para bang hindi nila matanggap na malaki rin naman ang naitutulong mo, lalo na nga't wala ka namang sweldo. Para bang hindi nila alam ang konsepto ng mutualism.
Marami kasing mga Filipino rito sa Canada na ang tingin nila sa mga tao sa Pilipinas ay naghihirap na animo'y mga pulubi. Oo, mahirap ang buhay sa Pilipinas subalit hindi naman ibig sabihin ay naghihikahos na ang bawat pamilya roon. At lalong hindi ibig sabihin na kaya ako nagpunta rito ay dahil namili ako between death and life. Malaki ang pagkakaiba ng choosing between a good and a better life at choosing between a miserable and good life. Personally, kabilang ako sa una...dahil hindi naman miserable ang buhay ko sa Pilipinas. Sa katunayan nga eh, bukod sa maganda na ang trabaho ko bilang editor ay malaki pa ang sweldo ko, dagdag pa r'yan ang sidelines ko. At higit sa lahat, kapiling ko ay mga taong nagmamahal sa akin at nirerespeto ang pagkatao ko dahil sa kilala nila ako mula kuko sa paa hanggang dulo ng buhok.
Eh, bakit ka nga ba pumayag na pumunta r'yan sa Canada kung gayong maganda naman pala ang buhay mo?
Dahil, tulad na nga ng sabi ko, I was choosing between a good life and a better life. Subalit bukod pa r'yan, alam ko rin naman kasing walang mag-aalaga sa lolo ko na, kung hindi siguro ako natuloy pumunta rito, malamang nasa isang nursing home na.
Marami akong kakilala na nagsasabi na ang sarap daw ng buhay ko rito kasi nasa bahay lang naman daw ako, laging nakababad sa computer. Yun ang akala nila! Magpalit kaya kami ng kalagayan? Tutuo ang sinasabing mas mahirap ang walang ginagawa kaysa subsob sa trabaho. Subalit malalim pa r'yan ang dahilan kung bakit ganito ang sentimyento ko. Hindi ko na bubulatlatin pa, tutal naman ay alam na ng mga taong pinagkakatiwalaan ko. Basta, ang ibig ko lang ipahiwatig, mutual for both parties ang aking pagkakapunta rito.
H'wag na h'wag kong maririnig ang sumbat na "walang utang na loob." Dahil hindi ako gago at tanga. At lalong hindi ako mangmang. Tahimik lang ako dahil wala pa akong sariling buhay na magbibigay sa akin ng karapatang manindigan uli sa aking mga paniniwala at prinsipyo. Minsan lang ako magyayabang...mas matalino pa ako sa karamihan ng mga taga-Canada!
Kung nakapunta man ako rito sa Canada, pinagbabayaran ko naman ang lahat ng 'yan. Sobra-sobra pa nga ang bayad ko e. Napakasakit lang kasi na maramdaman na para bang ako lang dapat ang magpasalamat at nakapunta ako rito. Aba, tulad na rin ng nabanggit ko na, kung hindi ako natuloy, eh ewan ko na lang kung ano gagawin ng mga kamag-anak ko sa lolo ko. Sino kaya ang itotoka nilang mag-alaga rito.
Lagi kasi nilang iniisip na hindi naman alagain si Lolo. Nuon 'yun, several years ago; kasi ngayon, ultimo pagligo at paghugas ng p'wet 'pag tatae ay hindi na n'ya kaya. Sino kaya sa kanila ang kayang maghugas ng p'wet ni Lolo? Sino kaya ang mapupuyat gabi-gabi para pagsabihan si Lolo dahil parang bata na kung anu-ano pa ang binubutingting kahit madaling-araw? Sino kaya ang kakabahan sa t'wing mistulang inaatake sa puso si Lolo? Sino kaya ang hindi magtatrabaho para magbantay kay Lolo, dahil hindi na talaga eto p'wedeng iwanang mag-isa, gabi man o umaga? Sino kaya ang magiging shock absorber at tagasalo ng galit sa t'wing tinotopak si Lolo?
At higit sa lahat, sino kaya ang magt'ya-t'yagang mapirmi sa bahay nang mahigit dalawang taon, walang day-off na dala-dala ang lahat ng hinanakit at sakripisyo na nabanggit ko, na walang tinatanggap na sweldo o regular na allowance man lang?
Bakit? Kahit weekend man lang e hindi ka makalabas mag-isa?
E paano nga lalabas e wala ngang pera e. Alangan namang nasa mall ako na pamasahe lang ang dala? Ano, hindi na 'ko kakain? Maglalaway na lang sa mga nakikita ruon? Pucha! Eh di lalo lang akong nagmukhang-kawawa!
Samantalang sa Pilipinas e nabibili ko lahat ng gusto ko, lalo't hindi naman ako maluhong tao. E dito, ultimo pambili ng five-dollar na phone card para man lang makausap mga mahal ko sa buhay e pino-problema ko pa e.
Di bale, konting tiis na lang, aLfie. Pasasaan ba't uunlad ka rin d'yan at makakapamuhay sa paraang gusto mo.
Konting tiis? 'Tang ina! Kayo kaya lumagay sa p'westo ko!

11 Comments:
At Wednesday, March 30, 2005 8:47:00 PM, Anonymous said…
konting tiis pa, aLfie... hahaha! inulit pa. gusto rin ma-mura. love you, baby. haay di na ba kaya ng powers ko na pawiin lungkot mo,hon? uyy kanina naman sa fone masaya ka ah? oh well i can almost hear your "sadness is our default state lecture". i better get back to work.
~keep the faith~
-c.
At Wednesday, March 30, 2005 11:07:00 PM, Tatang REtong said…
Kailangan mo ang bayad. Dapat minimum wage or something like that. Kung hindi, wala rin. Kailangan mo ngang tulungan ang lolo mo. Pero, sa talaga lang, ang buhay niya ay malapit ng matapos. Ang iyong buhay ay nasa kalagitnaan.
May working visa ka ba? At least naman sana ay mayroon ka para kapag tapos na ang iyong kalbaryo ay makakita ka naman ng trabaho sa labas.
At Friday, April 01, 2005 12:59:00 AM, Anonymous said…
naiyak ako bheck. para kay alf yung message pero pati ako touched. so you're the friend he mentioned to me na nasa BC rin, sabi nya, malaking bagay daw yung pagbubukas mo ng pinto ng bahay mo for him...kasi nga sa kalagayan nya ngayon jan, he feels so alone and unwanted. sobra yung effect sa kanya kasi ibang-iba sa nakalakihan nyang environment. thanks again. ther's nothing i can do for him, im half the world away. good thing he's got friends like you.
-c.
----
butch! comrade! haha! tulungan mo ako lagi na ipa-alala kay alfie yung magagandang bagay sa paligid nya ha? and ipa-alala din natin sa kanya who he is...his true worth. palagi kasi nagse self-doubt yan eh.
cha
At Sunday, April 03, 2005 10:22:00 PM, eLf ideas said…
Dear My Charlotte,
Mamura? Baka ma-mahal inig mong sabihin? Hehehe.
Seriously, thank you very much for coming back into my life; especially with my situation, you help me alot in the matters of perseverance and patience.
I love you.
At Sunday, April 03, 2005 10:26:00 PM, eLf ideas said…
Dear Retong,
Maraming salamat sa concern mo. At lalong salamat sa iyong pag-unawa sa aking kalagayan.
Fortunately, may working visa naman ako at legal naman ang pagkakapunta ko rito.
Sa darating na Agosto ay eligible na ako mag-apply for permanent residency, after which pwede na ako magtrabaho sa job na gusto ko talaga.
Dahil sa mga kaibigan at kakilalang katulad mo, lalong lumalakas ang loob ko at nakikita ko ang mga positive possibilities after this stage. Thank you.
Also, thank you very much for regarding me as the Pinoy blogger of the day on your blog site. It inspired me so much.
At Sunday, April 03, 2005 10:33:00 PM, eLf ideas said…
Dear Ivy,
Thank you very much for your high regard.
Marami naman kaming mga apo ng lolo ko, kaya lang ako lang kasi ang can afford to sacrifice more than two years of my life para maalagaan sya. I don't think na may kaya sa kanilang iwanan mga trabaho nila at maburo sa bahay na gaya ko.
Ang iniisip ko na lang lage, eh maburo ako in the right process and duration, so I may come out a better person.
I wish I would soon be a phoenix....
Worry not, Ivy, I won't fail you as well as the others who believe in my worth. I won't let my talent to just waste away. I promise you that.
At Sunday, April 03, 2005 10:38:00 PM, eLf ideas said…
Dear Bheck,
As always, thanks for your concern and for keeping your home open for me in case I needed a break.
So far, okay naman ako. Naghihinga lang ng sama ng loob, para hindi ako sumabog na parang bulkan.
Pero malaki talaga ang tulong ng maraming kaibigan...may mga tagapagpaalala na may handang tumulong sa 'tin pag kinakailangan.
Don't worry, I know that you're just one bus and a Skytrain away.
Good luck on your visit to the Philippines.
At Sunday, April 03, 2005 10:42:00 PM, eLf ideas said…
Dear Butch,
Thank you for never failing to show me the light at the end of my own tunnel.
I really appreciate how we have found in each other sources of inspiration--not only for our literary adventures but more so for our own struggles, especially that we're on the same boat--working in a place so far away from our homeland.
As always, your appreciation for my literature compels me not to rest my pen.
To ink!
At Sunday, April 03, 2005 10:45:00 PM, eLf ideas said…
My Honey,
I feel really lucky to have you as my fiancee. I can't wait until I get home to marry you.
Regardless if some people cringe at the way we express our affection for each other, I'd always be the same eLf you once knew--different...always different.
At Monday, April 04, 2005 11:42:00 PM, Anonymous said…
Tol,
share lang ha...
Lam mo ba na... ako rin man ay nag-alaga sa isang matanda na may-sakit. yep.. lola ko sa mother side. na confine sya sa San Juan de Dios for at least 40 days, then nung inilipat sya sa bahay namin sa Tagaytay.. wala pang 24 hrs. namatay din sya..
It was just an ordinary day, the same monthly check up, pero di na sya pina uwi nung doktor nya sa hospital.. sabi ng doktor, mag stay muna kahit 24 hrs, just to check her pressure..etc.. but the next day.. her BP rose, so stay for another 3-days.. on the 3rd day, she suffered cardiac arrest, and has to be transferred to ICU.. men mahigit 1 wk yung lola ko sa icu.. ako ang kasama nya nung inatake sya.. kumakain kami ng almusal.. when she regained conciousness, wala na syang makilala sa amin.. pero pag ako ang kumakausap sa kanya.. kilala nya ako.. she even told me to take care of the pananim sa tagaytay.. wala akong work nung time na yun (1993) so full time akong mag bantay sa kanya at mag alaga.. i even met a very gorgeous graduating Nursing student sa hospital na yun... i courted her, and she accepted.. all in 1 wk.. pero may BF pala ang walanghya.. pero sinabi naman nya right after sagutin nya ako.. (foota talaga)..aniwey balik tayo kay lola.. nung atakihin ulit sya sa puso, ICU ulit.. but 3 days nalang at nag decide ang pamilya na "wala" na talaga.. mag hihirap lang si lola... so balik kami sa room, antay yung mga anak na nasa abroad at uuwi na kami sa tagaytay.. and wait for my "lolo" to fetch her.. and indeed my "lolo" came...my lola awaken and told everybody that she has to go...kasi andito na si Luis (lolo).. we know that its time.. alis yung mother ko at bumili na ng damit sa baclaran.. at kinontak na yung punerarya... di pa nakakabalik yung nanay ko from baclaran when the phone rings and told us the sad news...
sa akin hinde kalbaryo ito or whatever... its the REAL life.. in your face.. lahat tayo dadating sa ganitong pagkakataon.. but are you ready..? i am... pero alam mo ba na i am on my first day of my JOB dito sa airport nung namatay si lola..??? talk about ironic..
but then again... i think its a sign from her.. telling me "good job bong !.. here's a desk job for you.. and i'm going home with your lolo.. take care and hoping that we see you again in the future.." sort of thing...
Bong
At Tuesday, April 05, 2005 12:46:00 PM, eLf ideas said…
Bong,
Maraming salamat! Malaki talaga ang naitutulong ng mga messages na gaya nito, na patuloy na nagpapaalala sa akin na hindi talaga ako nag-iisa sa ganitong sitwasyon at na may mga positibong epekto naman ang kalagayan ko sa future ko.
Oo nga, mas nalilinawan ko na ngayon ang premise na maswerte nga ako at sa edad kong ito ay inihahanda na agad ako ng buhay para harapin ang sarili ko namang pagtanda. I mean, iniisip ko na lang na lahat naman tayo ay sa ganyang sitwasyon din ang tungo balang araw. Dagdag na pang-unawa na lang talaga muna siguro.
Again, thank you.
Post a Comment
<< Home