The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Wednesday, March 30, 2005

Bahala Na

Oh my, I am yet again afflicted with bouts of boredom, homesickness, and hopelessness. I'm feeling so much emotionally drained.

Ang tagal naman ng panahon. Ang hirap namang magsakripisyo. Minsan, kahit alam ko namang para sa 'kin at sa future family ko ang lahat ng pinaghihirapan kong ito e para bang hindi ko makita o maramdaman 'yan. Madali kasing magbigay ng advice, pero kapag sarili na ang nakataya, ibang usapan na; mahirap makita ang positive side.

Minsan naitatanong ko sa sarili ko, Ganito ba talaga kahirap ang sitwasyon ko at ganoon na lang ang lamya ng damdamin ko? O sadyang mahina lang ang loob ko; magaling magbigay-payo sa kaibigan subalit madaling mawalan ng pag-asa kung sarili na ang pinag-uusapan?

Ah, sa tingin ko, kayang intindihin ng ilan ang ibig kong sabihin, pero hinding-hindi mararamdaman ninuman ang hirap na tinutukoy ko dahil wala sila sa kalagayan ko. Kaya ngayon, hindi na rin ako masyado nagbibigay ng payo sa mga kaibigan ko, kasi ni sarili ko nga e hindi ko makumbinse na pagsubok lang ang lahat ng ito.

Balik na naman ako sa...Bahala na kung anumang mangyari sa buhay ko.

1 Comments:

  • At Sunday, April 03, 2005 10:20:00 PM, Blogger eLf ideas said…

    Dear Vayie,
    Thank you very much.

    Yeah, life is indeed....

    But the most important thing to realize is, we are never alone in such struggles.

    Friends like you always remind me that.

     

Post a Comment

<< Home