The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Wednesday, January 12, 2005

Mga Kinaiinisan


Photo scanned from an old magazine (ows! hehehe) Posted by Hello

An article of the same title on the blog site of Nicanor David inspired me to write this article.

In random order, whatever pops up in my mind as I write this...

1. buhok (at bulbol) na nakadikit sa sabon, na hindi man lang hinugasan ng kung sino man ang huling gumamit nito

2. namuong toothpaste sa cap ng tube nito; dagdag na rin ang mga tulad nito: naging asin nang patis sa takip at bunganga ng bote nito, naipong ketchup sa gilid ng takip ng bote, mga container na nasa refrigerator na nanlilimahid

3. naninilaw na ihing kumapit na sa gilid ng toilet bowl at lapag ng banyo

4. sanitary napkins na iniwan sa trash can sa comfort room na hindi man lang binalot para hindi nakatiwangwang ang namuong regla

5. lababong puno ng tumigas nang tinga at mantsa na sanhi ng dura o pinagmumugan

6. taong madalas magdabog; bulung nang bulong ng mga angal niya habang nagtatrabaho; hindi na lang tumahimik habang ginagawa ang trabaho o kung naaasar pala e di wag na lang gawin ang dapat gawin

7. taong palamura; kasama na yung kapag nagugulat ay kung anu-anong salita ang lumalabas sa bibig na tulad ng hudas, puke, bayag, kabayo, barabas, estas, etsetera

8. taong nagagalit kapag may tumawag sa telepono tapos wrong number pala; hindi isipin na maaaring hindi naman sinasadya na mai-dial ang number nya

9. taong galing sa nakapapagod na trabaho tapos sa bahay ibubuga lahat ng pagkabwiset, inaaway lahat ng madatnan sa bahay; hindi na lang dumiretso sa kwarto at magpahinga o di kaya ay magpahinga sandali tapos maligo nang matanggal ang init ng katwan at ulo

10. taong naninigarilyo sa mga lugar na bawal, lulusot pa; o kahit sa lugar na hindi bawal pero yung buga ng usok niya ay nalalanghap ng katabi niya; napaka-insensitive ng mga ganitong tao

11. taong dumudura sa kalye o lansangan; maaari pa na pasimpleng dura sa basurahan o sa lupa o damuhan, pero wag naman sa bangketa o kalye mismo, tapos berde o dilaw na plema pa ang idadahak

12. taong umuubo nang hindi man lang takpan ang bibig

13. taong tatawagin nang buo ang pangalan ng anak o ng kung sino kapag pinapagalitan ito; halimbawa, nagalit ang nanay ng batang si Eric, tapos tatawagin itong "Federico!" ang corny!

14. zipper ng shorts o pantalon o jacket na ang hirap buksan o sarhan; kasama na yung mga madaling mabungi na zippers

15. taong dadaan sa harap mo nang walang pakundangan, halimbawa nanonood ka ng TV o may kausap ka at dadaan sa gitna nyo nang walang pasubali; yung nag-uusap naman, wag paharang-harang sa gitna, tumabi naman, para hindi rin naman sila nakakaistorbo sa mga nagdaraan

16. lalaking kung umupo sa jeep o bus ay nakabukaka; hindi man lang isipin na nasisikipan yung mga katabi nya

17. babaeng magmi-mini skirt tapos pag-upo naman sa jeep ay tatagilid kahit nasisikipan na yung mga ibang pasahera'o

18. pasahera'ong ayaw man lang mag-magandang loob na iabot yung pamasahe ng pasahera'ong malayo sa driver

19. magulang na sinisigawan mga anak nila

20. magulang na hindi muna ilabas ng simbahan o sinehan yung mga anak na nagta-tantrum at nag-iiiyak

21. taong parang nandidiring makadaupang-palad yung katabing hindi kakilala kapag "Our Father" na sa misa sa simbahang Katoliko

22. insektong nakalutang o nakalubog man sa soft drinks o anumang inumin

23. ipis na nasa dingding o kisame, lalo na at akmang lilipad na

24. nanlilimahid na lababo

25. pinto o gate na lumalangitngit kapag binubuksan o sinasarhan

26. mga batang namamalimos na nanghihila pa ng damit, lalo na ng damit ng babaeng kasama mo

27. pawis na pawis na katabi sa public utility vehicle

28. yung mga prerecorded na halakhak sa mga TV sitcoms; hindi hayaang tumawa nang kusa yung viewer, bakit kinakailangan pang magbigay ng cue na para bang tanga yung viewer, kaya dapat ipaalala na..."hoy, punch line na, tawa na!"

29. taong maingay sa loob ng sinehan, inuunahan ang mangyayari

30. politikong suaveng-suave mambola; halatang beterano at bihasa na sa public fooling

31. nonstop medley music sa mga bus na hindi naman all-original artists, kundi version lang ng kung sinu-sino, na minsan ay halatang-halata pa sa diction ng kumakanta

32. mga nagsasabing Rock music is devil's music

33. mga naniniwala na meron ngang demonyong nagsasalita kapag ni-backmask ang isang kanta

34. mumurahing relo na ilang linggo pa lang ay sira na (hehe, sabagay, kaya nga mura; mas nakakainis sigurado kung mamahaling relo na madaling masira)

35. mga grammatically incorrect na billboards, signs, and similar stuff; hindi nila alam kung gaano kalaking pinsala sa literacy ng masses ang idinudulot nito

36. gomang tsinelas na napapatid na, tapos ikinakabit na lang ng pardible

37. preachers kuno na sumasampa sa bus at maglilitanya

38. preachers kuno sa may podium pang props na nasa bangketa, lalo na yung malapit sa mga palengke at mataong lugar

39. mga religious leaders na panay ang putak sa TV, gaya nina Brother Mike at Brother Ely; okay na sana, pero nakikipag-away rin naman lalo na sa mga hindi naniniwala sa kanila

40. mga singers na galit na galit sa mga foreign artists pero mismo sila ang kinakanta ay mga kanta na hindi naman kanila

41. mga sexual jokes na patuk na patok sa mga noontime shows

42. mga babaeng dancers na laging sangkap na lang ng mga noontime shows; kahit wala nang background music ay tuloy pa rin sa pagkembot at -giling

43. mga mumurahing bulaklak na naglipana kapag malapit na ang Valentine's

44. ballpen na kabibili mo lang ay tuyo na agad ang tinta

45. lapis na madaling mabali; kapag tinatasahan mo ay lagi ring nababali

46. servers o cashiers na walang pasensya

47. customers na sobra namang makalait sa nagkakamaling server o cashier

48. teachers na panay ang bigay ng projects at book reports pero hindi naman binabasa

49. teachers na nanghuhula lang ng grades

50. teachers na nagsasabi na hindi naman daw sila ang gumagawa ng grades, tagasulat lang daw sila ng grades na ginagawa ng estudyante, bolahin nyo lelang nyo!

51. kukong nanlilimahid

52. taxi o jeepney driver na ubod ng daldal

53. baklang manggugupit sa parlor na halatang nananantsing o ang ingay-ingay

54. manggugupit na ayaw sundin ang gusto mong gupit

55. manggugupit na naiinis kapag nagsa-suggest yung nagpapagupit...grrr!

56. may LBM ka pero kelangan mong umalis ng bahay, tapos yung pupuntahan mo eh siguradong walang comfort room

57. karamihan ng Philippine-made movies na lagi na lang komeding katarantaduhan o tungkol sa corrupt na pulis ang tema; kasama na yung mga dramang paulit-ulit na lang ang kwento

58. agiw sa corners ng kisame

59. elisi ng electric fan na punung-puno na ng alikabok

60. mga Filipinong nandito sa Canada—laki man dito o may edad na nang sumalta—na sobra namang manlait sa mga Filipino sa Pilipinas at sa Pilipinas mismo

61. mga Filipino rito sa Canada na hanggang ngayon ang tingin pa rin nila sa Pilipinas ay panay talahiban at punong mangga at halamang saging

62. magulang na pinapapikit ang batang anak kapag may kissing scene sa pinapanood; lalo lang tuloy nagkakamalisya ang bata

63. taong nananakot sa mga bata ng multo at iba-iba pang maligno; kasama na rin yung mga magulang na madalas ipanakot ang pulis o Bumbay

64. mga bandang ayaw ma-categorize ang music nila

65. wala na akong maisip na iba; eto na muna ang panghuli...may salita o bagay ka na gustong maalala pero hindi mo maisip-isip; yung tipo bang "nasa dulo ng dila"

1 Comments:

  • At Friday, January 14, 2005 1:09:00 AM, Anonymous Anonymous said…

    hon, pls add na rin:

    1. amoy ng ihi ng lasing. yuck!
    2. mga nangungulangot sa daan, puv, resto at lahat ng public places. gross!
    3. driver ng jeep/bus na ayaw itabi ng maayos ang sasakyan pag bababa ka tapos sisigawan ka pa ng "bilis bilisan lang!"
    4. taxi drivers na namimili ng destination at nangunguntrata kung magkano. tsaka yung madadaya ang metro.
    5. sobrang matatabang tao na ipinagpipilitan ang sarili nila sa gitna ng fx. hello?!? sa likod na lang kayo anoh! maawa naman kayo sa katabi nyo!
    6. tindero sa palengke na kung makatingin eh parang hinuhubaran ka na.
    7. messengers na masyadong feeling close.
    8. security guards na OA...lam mo yun? yung kina-karir pagka-guard nila.
    9. ofcmates na tsismoso/sa, manyakis at ksp! (haha!)
    10. mga feeling maganda/gwapo

     

Post a Comment

<< Home