The Return of eLf ideas

ideas of an eLven being in Canada

Friday, November 26, 2004

We Have the Inherent Ability to See through People Regardless

Having nothing important to do this morning, I whiled my time reading blogs and Friendster postings. Among the surveys I read today, this one posted by my New Wave friend abby caught my interest. Abby is a recently known friend whom I met on the Internet through the newwave101 chatroom. Some will say that we can never be sure about the true character of the people we meet on the Internet; but my take is, we are not dumb and clueless all of the time, we have the inherent ability to see through people regardless if we've met them only through the Internet: through the topics that they always dwell on, their choice of words, how they talk about other people, what they say about their family or friends or others, their opinions about issues. Yes, we can know a person's prejudices with the way s/he expresses views as well as with the way s/he reacts on others' views.

Just feel with your heart and you will be able to tell apart sincerity and deception.

As in The Little Prince (1943), by Antoine de Saint-Exupéry (1900–1944) : "It is only with the heart that one can see rightly...."

As always, I responded to the survey with careful thought and obvious engrossment. For, as I always say, surveys are therapeutic in the sense that they help us analyze ourselves and assess our personalities; and in doing so, we not only learn more about ourselves but also know our friends more deeply.


Now, on with the survey...

"Ikaw Ba Ay..."

[maarte]
Minsan, din.

[pihikan]
Mmm...oo, pero sa mga simpleng bagay tulad ng pagkain, kahit ano tinitikman; sa pananamit, ayun duon ako pihikan, mas naiiba mas mabuti sa akin.

[malambing]
Palagi, lalo na ngayong ang tagal ko nang hiwalay sa mga mahal ko sa buhay.

[madaldal]
Ha-ha-ha, tinatanong pa ba 'yan? Oo naman...mapa-salita o mapa-sulat man.

[killjoy]
Hindi naman. Okey ako sa lakaran—sine, shopping, pasyal, band watching; pero hindi ako maaasahan kapag inuman ang gimmick at kapag ang usapan ay napunta na sa tsismisan, bastusan, at siraan ng pagkatao lalo na ng mga taong wala sa pagtitipon; asahang mawawala na lang akong parang bula.

[conservative]
Depende, uli. Pagdating sa sex, religion, manners, at cultures, broad-minded and acceptive ako; pero pagdating sa language use, istrikto ako. Although, hindi naman ako nangkokorek ng blunders ng iba sa bastos na pamamaraan. Karaniwan, sinasabi ko privately, lalo na kung kakilala ko naman 'yung tao. Pag openly naman, tulad sa mga group mail trails, hindi ko directly na kinokorek: Nagbibigay lang ako ng examples para hindi halata, pero the corrections came across.

Lahat naman ng tao ay maraming bloopers and blunders na nako-commit araw-araw, kahit anupang aspeto 'yan ng kakayanan o pagkatao. Ika nga ng kaibigan kong si junggoi, "Ang mahalaga ay importante." He-he-he. Seriously, ang mahalaga ay handa tayong tumanggap ng kamalian at handa ring baguhin o i-adopt ang bagong natutunan. Ang problema lang kasi sa ibang tao, may halong malisya at kayabangan ang pamamaraan ng kanilang pagtatama sa kapwa. Para bang ang hangarin nila ay hindi itama ang kamalian, kundi ipamukha sa 'yo na nagkamali ka. Hindi nila siguro nari-realize na mas madaling tanggapin ang isang kamalian kung ipaaalam ito sa 'yo sa magandang paraan. Kahit naman sa pagsusuheto ng bata eh, pansinin n'yo, hindi ba mas tumitigas ang ulo ng bata kapag lagi itong pinapagalitan at sinisigawan sa tuwina s'ya ay nagkakamali? Bata o matanda man ang kausap, dapat palaging malumanay, positibo, at may paggalang ang trato natin.

[lakwatsera/o]
Hindi naman. High-school days, 1984-1988, madalas lang kami mamasyal ng barkada after dismissal or kapag declared na walang pasok (tulad ng kapag may bagyo o transportation strike).

College of Nursing, UST, 1988-1989, madalas akong absent sa Biochem Lab class dahil ito na lang ang klase ko sa hapon at 3 hours ang vacant before it, kaya naiinip akong maghintay. Di ko naman nakaugaliang tumambay ng Recto nung panahong iyon, dahil wala rin naman ako masyadong kaibigan sa school. Ang mga kaibigan ko kasi ay yung high-school classmates and friends ko na sa ibang school naman nag-College. Kaya kadalasan, derecho agad ako sa bahay ng bandmate kong si Rain o si Ramil, kung saan kami laging nagpa-practice.

[overacting]
Minsan, lalo na kapag nagpapatawa ako sa mga kapatid at pamangkin ko sa Pilipinas, minsan exaggerated...or better yet, animated. Kaya tuwang-tuwa sa akin ang mga pamangkin ko, kasi pag nagkwento raw ako ay laging may kasamang facial expressions at bodily actions. Sabi ng mommy ko, nakuha ko raw ang style ng pagpapatawa na 'to sa daddy ko. Oo nga, naaalala ko na ganyan din s'ya magpatawa nung mga bata pa kaming magkakapatid.

[papansin]
Pánsinin, pero hindi papansin. Yung iba na hindi ako masyado kilalá, minsan naiisip nagpapapansin ako dahil sa hairstyle at pananamit ko, pero 1985 pa lang ganito na ang fashion sense ko, kaya hindi na 'to papansin, kundi parte na ng pagkatao ko.

Sa tingin ko, ang papansin ay yung mga sunud-sunuran sa uso, laging nag-iisip ng bagong pakulo. Pero, hindi ko rin naman masyadong pinapansin ang mga sunod lagi sa uso, kasi kanya-kanya naman talagang hilig 'yan eh. Ika nga ng lolo ko, kahit anupa ang itsura mo at gawin mo, basta ang mahalaga ay wala kang napeperwisyo.

[bulgar magsalita]
Matagal ko nang nilinis ang aspetong iyan ng aking pagkatao. Napakarami pang masarap pag-usapan kaysa sex, tsismis, at showbiz. Kaya kong tumagal nang buong araw na ang pinag-uusapan ay Literature, Music, Culture, or Science. Siguro dulot na rin ng malaking respeto ko sa languages kaya maingat ako lagi sa mga salitang ginagamit ko. Sa maniwala ka o hindi, ultimo ang pagkakasunud-sunod ng salita ay pinag-iisipan ko pa sa tuwing magsusulat ako.

Halimbawa, kung maglilista ka ng mga paborito mong banda, maaari mo itong ilista (1) ayon sa pinakagusto mo, (2) alphabetically, or (3) randomly kung ano unang maalala mo. Ako, ang nakasanayan ko #2, pero kung gusto kong i-emphasize ang pinakagusto ko, #1; but rarely #3. Ang tingin ko kasi, kahit sa trivial na desisyon na gaya nito, maaaring ma-reflect ang personality ng isang tao. Ang analysis ko:

#1: Ikaw ay ang tipo ng tao na alam mo kung ano talaga ang gusto mo sa buhay. Hindi ka fickle-minded, lagi kang sigurado. Kaya, kahit sa paglilista lang ay binibigyan mo ng emphasis.

#2: Ikaw ay laging organized. Gusto mo laging in order ang mga gamit mo. Malaki ang pagpapahalaga mo sa prioritizing.

#3: Ikaw na ang bahalang mag-analyze nitong "random type" na ito.

Subalit, i-e-emphasize ko--sariling analysis ko lang naman ang bagay na yan. Hindi rin naman conclusive ang lahat ng 'yan. Ang mahalaga, nagkakaroon ako ng concrete guidelines sa pag-aanalisa ng mga taong nakakasalamuha ko.

Kaya,
"Ang mga paborito kong banda ay The Cure, Depeche Mode, The Lotus Eaters, New Order, at The Wild Swans."

O maaari din namang,
"Ang mga paborito kong banda ay The Cure, The Wild Swans, Depeche Mode, The Lotus Eaters, at New Order."

[boring]
Sabi naman ng marami kong kaibigan, hindi naman daw. Marami raw kasi silang natututunan sa akin, at hindi raw kasi ako yung tipo ng lalake na ang laging bukambibig ay babae. Pero sa tingin ko, paminsan-minsan ay boring din ako, dahil may pagkakataon na ang gusto pag-usapan ng iba ay kalokohan at medyo maiksi ang attention span ko pagdating sa topic na 'yan. Pero, hindi naman ako laging seryoso 'no! Pwede rin naman akong maging bastos paminsan-minsan. Ang punto ko lang, kung may mas magandang pag-usapan other than sex and girls eh mas okay sa 'kin. Pero kung i-e-engage talaga ako, ang style ko e scientific approach para hindi naman cheap pakinggan.

Pero kung ang tanong ay, "Ikaw ba ay bored?" Ang siguradong sagot ko ay, "Madalas."

[liar]
Matagal nang hinde. Siguro naman alam na yan ng mga taong malapit sa akin at kilala na ako--expressive ako sa nararamdaman ko e. Hindi ako nahihiyang sabihin na umiiyak ako pag nalulungkot at nangkukulam din pag may kinabubwisitan. Hangga't maaari, ayaw kong magsinungaling. Pwera na lang kung kinakailangan. Hindi rin naman kasi absolute ang paniniwala ko sa philosophical statement na: "The end does not justify the means." Minsan kasi, maaari din nating ma-break 'yan, lalo na kung ang situation ay "life or death" na.

[faithful]
Kahit naman nung bata-bata pa ako, kapag may girlfriend ako, hindi na ako suma-sideline. Kahit pa maraming babae nakapaligid, lalo na at sumikat din naman nang kaunti yung banda ko na Half Life Half Death. Babaero lang ako nuong kabataan ko kapag wala akong current commitment. Pero ngayon, lalo na akong faithful dahil sawa na rin naman ako sa pagkabinata. Mas excited na akong makasama magiging asawa ko. Kaya malaki naitulong sa akin ng pagbabanda. Madali nitong naipamulat sa akin ang sense of responsibility at maturity.

[palamura]
Tulad ng pagiging bulgar--matagal ko na rin 'yang binura sa bokabularyo ko. Ang natira na lang ay "Sheet!", pag nagugulat; at "Fvck!", pag galit na galit, pero hindi ko pinaparinig sa iba at lalong hindi ko dinidirekto sa iba. Depende na lang kung pagkatao ko na ang niyuyurakan. Aba! D'yan ko na s'ya kukulamin.

[smoker]
Hindi. Ayaw na ayaw ko kasi ng amoy ng sigarilyo at ng naninigarilyo. Pero, marunong din naman akong makisama, kaya hindi naman porke naninigarilyo ka ay ayaw ko na sa 'yo. Basta wag mo lang akong bubugahan palagi. Ha-ha-ha. Pero, nagtataka lang ako dahil nagkaroon ako ng girlfriend na halos chain smoker pero natiis ko naman. Tukso nga ng officemates namin dati sa akin, pag breaktime daw ay para akong tandang at yung babae ay sabungera--kasi lagi akong binubugahan ng usok. Kaya raw pala, maamo ako sa kanya. Ha-ha-ha!

[lasenggo/a]
Hindi rin ako drinker ng alcoholic beverages; bukod sa allergic ako sa any alcoholic beverage, hindi ko gusto ang lasa at epekto nito. Pero, oo naman, at tumitikim din naman ako, lalo na kung family gathering naman. Subalit, ang paniniwala ko talaga, pwede namang maging masaya ang isang party nang walang inuman. Para kasing minamaliit nito ang kakayanan ng tao na maging masaya. Kasi napapansin ko na sa maraming tao, para bang hindi kumpleto ang pagtitipon kung walang alak; walang masayang balitaktakan kung walang alkohol; tahimik ang lahat kung hindi pa nakakainom.

Basta ako, paninindigan ko, sa wedding celebration ko, walang inuman; sa binyag ng anak ko, wala rin. Bakit hindi ba kuntento kung soft drinks at juice lang ang handa kong inumin?

[weird]
Nakunaman! 1985 pa lang ganito na ako, siguro naman normal na yan by this time, 2004 na. Atsaka, bawat tao naman ay may kanya-kanyang eccentricities at peculiarities, kaya nga individual tayo eh. Napaka-walang kwenta naman ng mundo kung lahat ng tao ay iisa ang damit, hairstyle, relihiyon, kulay, at hilig. Eh para na tayong droids nyan. Eh, ultimo nga droids tulad na lang nina Threepio at Artoo ay may distinction pa rin eh. Tao pa kaya?

[sexy]
Ang concept ko ng sexy ay "arousing, desirable, or may sex appeal," so, ang sagot ko, oo, kasi kahit payatot ako ay may mga nagkakagusto naman sa akin. In final analysis, naniniwala ako na ang sexiness ng isang tao ay hindi limited sa body build, size of boobs and butt, face, skimpiness of attire, shape of tongue and fingers, or the way s/he looks at you. In the end, ang sex appeal ay combination na rin ng lahat ng qualities ng tao.

[friendly]
Oo, pero pag nasira na sa akin ang isang tao, mahirap nang maibalik ang amor at respeto ko sa kanya; lalo na kung kaya siya nasira sa akin ay dahil may ginawa siyang hindi ko talaga mapapatawad.

[walang originality]
Tinatanong pa ba yan? eLf nga e. (Baka sabihin ng iba, ang yabang naman ng eLf na 'to. In second thoughts, hmm, okay lang, lahat naman siguro ng tao may kaunting kayabangan. Ang mahalaga lang siguro ay hindi naman sobra, na tipong liliparin na 'yung kausap mo dahil sa lakas ng ihip mo.)

[mayabang]
Ha-ha-ha! Ngayon, masasagot ko na 'to nang maayos: Kaunting-kaunti. Hi-hi-hi. Pag sumosobra na ako, okay lang naman na pagsabihan mo ko, para alam ko rin kung ano ang dapat baguhin.

[antukin]
Pag walang pinagkakaabalahan. Pero sa lahat ng napagtrabahuhan ko, hindi rin nawawala ang pagkakataong inaantok ako, lalo na kapag puyat at masyadong napagod sa kung anuman ang pinagkaabalahan nung araw o gabi bago pumasok sa opisina. Sa school, kapag boring magturo ang teacher. Sa bahay namin sa Pilipinas, medyo, dahil pagod ako lagi sa trabaho. Dito, hindi naman masyado. Sabagay, lagi naman akong nasa bahay. Pag inantok ako, pwede naman umidlip. Yun nga lang madali akong magising, dahil nga bantay ko lagi lolo ko. Minsan nga feeling ko magkakabit na yata ang bituka namin eh. He-he-he.

[mababaw ang luha]
Oo. Madali akong ma-touch ng mga love stories. Kahit pakikinig lang ng kanta, naiiyak ako. Or, kapag may nababasa akong novel or extraordinary achievement ng isang tao, naiiyak din ako.

Pero kapag naggagayat ako ng sibuyas, hindi na ako umiiyak. Nung editor pa kasi ako ng Bato Balani Science & Technology Magazine for High School, may na-research ako na tip para hindi maging teary moment ang onion chopping. Ganito gawin mo:

Pagkatanggal mo sa balat ng sibuyas, ibabad mo muna sa maligamgam na tubig. After about 10 minutes, duon mo na ito i-chop. Hindi ka na maiiyak. Kasi, yung chemical component ng onion na cause ng pagpapaiyak ay sumasama na sa tubig habang hinihiwa mo ito, kaya wala nang chemical na nag-e-evaporate. Kung meron man, minimal na ito. Isang paraan lang yan na maaari mong gawin para di ka na mapaiyak ng sibuyas.

Trivia: The tear-inducing substance released when slicing or chopping an onion is called propenthial S-oxide.

[love your neighbors]
I'd rather use the statement: Treat your neighbors fairly and well, without expecting a reward nor fearing any punishment in doing otherwise.

[late]
Dati. Dala na siguro ng heavy traffic sa Pilipinas. Pwede rin namang nakasanayan ko nang ma-late sa mga meeting; halos umabot ng 2 oras na pagka-late. Pero kapag office meetings naman at pagpasok sa opisina, lagi akong on time. Pero, dito, napansin ko na kapag sinabing alas tres, dapat before or at that time nandun ka na. Kaya sa tingin ko, kapag nagkatrabaho na ako rito, malaki na ang improvement ko sa larangan ng time management and punctuality.

Although, malakas pa rin ang procrastination ko lalo na pagdating sa pagtatapos ng mga literary works ko. Minsan kasi, umaasa pa rin ako sa mood. May panahon na ayaw lumabas ng ideas sa utak ko. Lalo na na sinanay ko ang sarili ko na magsulat nang direkto sa word-processing software na tulad ng Microsoft Word. Pero matagal ko na uling inumpisahang magsulat sa pamamagitan ng papel at bolpen. Katunayan nga ay araw-araw na uli akong nagsusulat sa diary ko, bukod pa sa online journal ko.

[explorer]
Yes, literally and figuratively. Reflected yan sa literary works ko, mahilig ako sa fantasy fiction, lalo na kapag involved ay epics and adventures in different made-up worlds. Literally, pangarap kong makapunta sa maraming bansa, lalo na sa European countries like Iceland, Denmark, Norway, Switzerland, and The Netherlands, na napakalakas ng anyaya sa akin. Fascinated kasi ako sa cultures ng mga bansang iyan, lalo na ang History and Literature nila.

[lazy]
Definitely, not. Although, there was a period in my past (early 90s) na panay pagbabanda lang ang inatupag ko, kaya lagi akong napagsasabihan ng mommy ko na batugan, kasi tulog sa araw at ayaw magtrabaho sa bahay, pero panay gimmick pag hapon na at umaga na ang uwi.

[loveless]
By now, alam na siguro ang sagot ko ng mga malapit sa akin at ng mga masugid na nagbabasa ng blog site ko, at ng mga postings ko sa Friendster. To reiterate: I'm very much wonderfully in love and hoping for a happy married family life after a few years from now.

[matalino]
I'd rather describe myself as an intellectually adventurous person. Mahilig kasi ako talagang magbasa at magsulat. Hinihimay-himay ko rin ang karamihan ng binabasa ko, kaya pag nakita mo ang mga books ko, gula-gulanit bawat dahon, tagpi-tagpi ng scotch tape. At higit sa lahat, mahilig ako sa trivia; kahit ang second-largest bird or scientific name ng whale shark or birthday ni Robert Smith ay gusto ko alam ko.

[inggitero/a]
Pinalaki kaming magkakapatid ng aming magulang na hindi naiinggit sa kapwa. Sa totoo lang, natutuwa pa nga ako kapag nalaman kong may na-achieve ang mga kaibigan ko. Nagsisilbing inspirasyon nga ang mga yan para pagbutihin ko pa ang kakayanan ko.

[gastador]
Controlled spender. Pero malakas talaga ang hatak sa 'kin ng books. Pero ngayong marami akong malalaking plano sa buhay ko, pag-iipon ang nasa isip ko lalo na kapag kumikita na talaga ako ng pera dito.

Grabe! May magtatanong pa kaya uli sa akin kung madaldal ako?

aLfie

0 Comments:

Post a Comment

<< Home